HAPPY KATHNIEL DAY ! <3 And HAPPY 2ND ANNIVERSARY sakin as a KathNiel Fan ! <3
Happy 3000 Plus reads satin ! :) Ispread pa natin tung story na 'to ah ? Para mas dumami yung readers XD Hahaha
_______________________________________________________
CHAPTER 30
JON'S POV
"Julia " bati ko sa kanya .
"Pwede ba tayong mag usap ?" Huh ? Ano naman pag uusapan namin ? At mukhang seryoso ah ? Naku naku .
"Oo naman , bakit hindi ? Tara , pasok tayo sa loob . Mahamog dito . " pumasok na kami sa loob at pinaupo ko siya sa sofa .
Nagpahanda din ako ng merienda sa mga maids . Cakes atsaka juice . "Oh Julia , kain kain din tayo habang nag uusap ."
"No , okay lang . Kakakain ko palang kasi eh ."
"Ahhhh . Ganon ba . Teka , ano nga pala pag uusapan natin ?" tanong ko ta's sumubo ng cake
"Jon .... didiretsuhin na kita ." huminga siya nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita . "Seryoso ka ba kay Kathryn ?" nabulunan ako sa cake na kinakain ko , kaya uminom ako nang juice .
Pabigla bigla naman 'tong babaeng 'to . Pag ako nabulunan , wala nang gwapo---- Pwe ! Nahahawa na talaga ako kay Kuya . Hahahahha .
Pero teka .... Seryoso ? Oo naman . Si Kathryn yung tipo ng babaeng dapat sineseryoso at hindi pinaglalaruan . At sa kanya ko pa 'to naramdaman . Hindi naman ako mahilig sa babae eh .
At hindi ako manliligaw kung hindi ako seryoso . Ngayon pa nga ako nanligaw ng babae . Kaya oo , seryoso ako sa panliligaw kay Kathryn . Seryoso ako sa kanya .
"Julia .... Oo , seryoso ako kay Kathryn . Hindi ako ganito sa ibang babae , maging sa inyo na barkada ko . Ibang pagcare yung binibigay ko sa inyo . Ibang pagmamahal . Never pa akong nanligaw ng babae , kasi sinabi ko noon na hindi ako manliligaw hangga't hindi ako seryoso at hindi ako sigurado . Kasi gusto ko , yung babaeng liligawan ko , siya na talaga . "
Blank stare . Yan ang binigay ni Julia sakin , blank stare .
"Mahal mo na ba si Kathryn ?"
Ngayon siguradong sigurado ako sa sagot ko . "Oo" diritso kong sagot . At mukhang nagulat si Julia . Kung kanina , blank stare ang binigay niya sakin . Ngayon I saw an emotion in her eyes , sadness .