CHAPTER 27
JON'S POV
Pagdating ko sa tapat ng bahay , bumukas na ang gate . Syempre pinagbuksan ako nang mga maids . Hahahahaa , kesyo naman bumukas mag isa yung gate . Kilabot yun .
Pinark ko na yong sasakyan ko . Yeah , I have my own car . Di ko lang talaga ginagamit . Naghihiraman kaya kami ni Kuya ng sasakyan . Pero siya yung may pinaka maraming sasakyan samin , hilig niya eh . Isa lang yong di niya pinapahiram sakin , yung Dodge Challenger niya . Mahal na mahal niya yon eh .
Siguro sobrang halaga sa kanya yung sasakyang yon . Mind you people , maingat ako gumamit ng kotse . Mas balasubas pa si Kuya kung mag drive . Hhahahahahaha . Nagra-racing kasi siya minsan eh , di ako sumasali . Ayaw kong magas gasan ang sasakyan ko sa racing racing na yan .
At sobra sobrang daldal ko na sa sasakyang sasakyan na yan . Tsss .
Pagkatapos kung i-park yung sasakyan ko , dumiritso ako sa pintuan ng bahay at diri diritso na sana ako sa pagpasok nang biglang .....
Diri-diritso ako sa pagpasok sa bahay .
" KUYA ! KUYA !" excited kong sigaw . Kailangan kong maka usap yun .
" Oh ? Ba't ka ba nasigaw diyan ? Nababakla ka na ba ?" Balik sigaw niya .
" Sapakin kaya kita Kuya ." Banta ko nung makalapit na ko sa kanya . Nasa kusina nga siya . At alam niyo anong ginagawa niya ? Mina-massacre ang ref namin . Hhahahahaah .
Tumawa lang siya bago nagsalita na may hawak hawak ng mango flavored cake roll galing sa ref . Takaw . "Oh anong ganap mo ? Ba't ka nasigaw dun ?" Wika niya at umupo sa mesa at sumubo ng cake . Syempre dahil magkapatid kami , pareho kaming matakaw . Lol .
Kung kaya't bago ako nagsalita , sumubo muna rin ako ng cake . " Kuya . Ngayon , siguradong sigurado na ko sa nararamdaman ko !" Sabi ko nang matapos ko nang nguyain ang cake .
" Huh ? All this time na magkasama tayo , di ka sigurado sa nararamdaman mo ? Pa check up ka nga . Nababaliw ka na eh ." tas sumubo ulit siya .
SPELL TANGA ? -________-
Ang labo din kausap nito minsan eh . Tsk tsk .
" Anlabo mo Kuya ! Minsan nagtataka na ko kung anong nagustuhan sayo ng mga babae sa school at sa mga babaeng outside sa school . Eh tanga mo kausap ." nagkamot pa ko ng ulo .
" ARAY !" daing ko . Kasi binatukan ako , lanya . Buti di ako napaubo . Ngumunguya pa naman ako ng cake .
" Peste 'to Ikaw na kailangan ng kausap , ikaw pa yung makatanga ah ? Iwanan kita diyan . " Wika niya at saka uminom ng tubig tapos bigla tumawa . Eh ?