Chapter 51

87 4 0
                                    

Chapter 51

Kathryn's POV

"Mam kumain na po kayo.." pagmamakaawa ng maid namin na may dalang tray ng pagkain.

"I'm full, I wont eat." I'm not really hungry, wala akong gana.

Lumabas naman ang maid namin at nagkamot ng ulo. They've been bringing food for me pero wala lang talaga akong gana kaya parati kong tinatanggihan.

It's been a week simula nung nakipaghiwalay ako kay Daniel. But it's still so painful. Hindi pa ako pumapasok sa school, I dont know kung pumapasok na si Daniel sa school dahil absent na ako ng isang linggo. I dont feel like going to school, kahit ano hindi ko gustong gawin. I just want to sleep and cry in my bed.

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na nilingon, maybe one of our maids. Pero napatingin ako nang naramdaman kong may umupo sa kama ko. It's my mom..

"Ma..." paos ang boses ko at umupo ako sa kama.

My mom look at me with eyes full of concern. "Anak..."

I almost cry when I heard her call my name. It was just so different, sa ganitong panahon ko kailangan ng kausap at advice ng isang ina. I just dont what to do with my life anymore.

"Ma, can I go back to New York?"

I dont know what I'd do here ngayong wala na kami ni Daniel. I want to go back to New York since noon pa naman talaga ay ayaw ko na dito mag aral.

"Anak I'm sorry pero hindi ka pa pwedeng umuwi. May gagawin pa tayo dito. I'm sorry." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni mama.

Hindi ko alam kung bakit kailangang nandito ako while mom's working on her business. My stay here is just so futile. Pwede naman sigurong si Mommy nalang ang mag-asikaso ng business, wala din naman akong natutulong.

"You know you can tell me anything. I can always listen, anak." Tiningnan ako ng mataman ni mommy.

Uminit agad ang gilid ng aking mata at nagsimulang mangilid ang mga luha rito. "Ma, w-wala na kami ni Daniel."

She didn't say anything, she just hugged me instead. Mas lalo akong naiyak sa yakap na yun.

"I wont ask why, basta tandaan mo, I am always here for you anak..." Umiyak ako nang umiyak habang yakap yakap ako ni Mama.

Naramdaman kong mas hinigpitan niya ang yakap niya. "I'm sorry, anak..." nagulat ako nang makarinig ako ng hikbi galing kay mama.

Why is she saying sorry? Tanong ko sa isip ko na hindi ko na isinatinig. It doesn't matter right now.

Sa sumunod na araw ay sinubukan kong pumasok. Babagsak kasi ako pag hindi pa ako pumasok, I am almost two weeks absent.

Dumating ako sa school ng alas nuwebe at naglakad na patungo sa una kong klase para sa araw na to. I feel like I'm shallow while walking. The students acted normal, parang ako lang naman ata ang ganito ang pakiramdam.

Iginala ko ang mata ko para sana hanapin si Daniel pero wala akong nakita. Dont tell me, hindi pa rin siya pumapasok? Hindi naman ako umaasang makikipagbalikan siya sakin. Ako ang nakipaghiwalay so I deserve the pain. I deserve it. Pero si Daniel, wala siyang nagawa kaya hindi dapat sa kanya yung sakit. I just want to see him para kahit papano, maibsan tong sakit. I just want to see if he's... okay.


Nanginginig ang nga tuhod ko habang papasok ako sa sunod kong klase para sa oras nato, classmate ko kasi si Daniel dito. Pakiramdam ko konti pitik lang, babagsak ako.

Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi. I can just absent dahil kung andito man siya, hindi din ako makakapagconcentrate sa lesson.


Torn Between Two Brothers (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon