Chapter 16

238 4 0
                                    

CHAPTER 16

Kathryn's POV





We just got back from our trip yesterday. We were so tired but it was definitely worth it. It was a good kind of tired because we were able to have fun and unwind even for just a short time.

A lot also happened from the trip. Hindi ko rin maalis sa isip ko yung tingin sakin ni Daniel when we had the "bare". I felt something. His gaze was just so intense that I could not ignore. That and sudden change in our relationship. He offered to start over and be friends with me. Gosh, ang daming nangyari quick weekend trip na yun!

"Huy babs!" halos mabitawan ko ang mga libro kong hawak nang may biglang sumulpot sa harap ko.

Napahigpit ang hawak ko sa mga libro kong dala dahil muntik na itong mahulog dahil sa gulat ko.

"Walanghiya ka! Aatakihin ako sa puso sayong damuho ka!" inis kong sabi at hinampas ang natatawang si Jon ng mga libro ko hawak.

"Aray, babs! Aray!" wika niyang kunyaring nasasaktan pero natatawa naman.

"Muntik na kong atikihin sayong damuho ka!"

Tawa lang siya nang tawa. "Eh kasi bakit ka tulala diyan? Ang dami mo atang iniisip!"

Inirapan ko siya at hindi na nagsalita. Alangan namang sabihin ko na ang kapatid niya ang iniisip ko, baka ma-misinterpret niya lang.

"San ba punta mo? Lunch break na, andoon na ang tropa sa cafeteria." sabi niya sakin.

"Pati si Juls?"

"Parang nandoon na rin. Ano? Tara sabay na tayo puntang cafeteria!" aya niya kaya sumama na ako.

Nasa entrance palang kami ng cafeteria ay nakita ko na ang tropa na masayang nagku-kwentuhan at nagtatawanan sa isang table sa gitna.

Nang makalapit kami ni Jon ay walanghiyang nagkumento na naman si Lester.

"Oy, parang napapadalas ang pagsasabay niyong dalawa ah!" makahulugan niyang sabi at sumulyap kay Daniel na nakababa lang ang tingin sa cellphone niya at hindi kami nilingon kahit alam kong narinig naman niya na dumating kami.

"May something ba?" isa pa tong si Seth! Sarap kurutin!

"Hala omg! Ano meron?" curious na tanong ni Liza

"May something?"- Miles

At ayon nga, inulan kami ng kantyaw which made me so awkward! Jon and I are friends, ayaw kong masira yung namumuong friendship namin dahil lang sa mga ganyan. Agad naman akong umiling at nagsalita.

"Ano ba kayo! Ang malisyoso niyo! Nagkasabay lang kasi nagkasalubong kami sa hallway." though it was not necessary, I still tried to explain.

For some unknown reason, dumako ang mata ko kay Daniel. To my surprise, he was already look at me! Nagtama ang tingin namin. His expression was blank at nang nagkatinginan kami, he shot an eyebrow up and umiwas ng tingin sakin to look back on his phone.



Torn Between Two Brothers (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon