CHAPTER 13
Kathryn's POV
I woke up late! Nakalimutan ko na ngayon pala yong outing namin ng barkada. Well, I consider them my friends now kahit medyo damuho lang talaga yong Daniel na yon.
I woke to 30 messages and 40 missed calls galing sa mga friends ko. I know I am so late!
Shit. Kaya pala alarm nang alarm yong phone ko, ini-snooze ko lang naman. I forgot because I slept so hard dahil puyat ako kaka-Netflix.
I opened the messages after I did my rituals and got my things para sumakay na sa kotse at magpahatid sa driver ni mama. Di ko alam kung matatawa ako sa nakaregister na names nila rito o magso-sorry because it's past 9 oclock tapos 8AM yung usapan namin! Oh my god!
From: BwiSETH
Kathryn, wag ka nang mag beauty rest diyan. Rest lang dapat walang beauty. Gising na oy. Dito na kami hahahaha
From: LESTEReret boomboomboom
HOY KATHRYN GALET NA SI DADDY DANIEL!!! SAN KA NA DAW BABY GIRL NIYA
Ito talagang si Lester, di ko alam kung nakakatawa ang mga biro o hindi eh!
From: JCpon
Kathryn! Aba bukas mo na ituloy yang tulog mo at nalalanta na kami kakahintay sayo. Wag mo ng masyadong galingan, maganda ka na sa paningin ni daddy daniel hahahaha
From Katsumi Kabebe
Jusko ka Kathryn! Isang oras ka ng late! Iba ba orasan mo? Ginagalingan mo ata masyado para kay daddy dj ah
Halos mapaface palm ako habang binabasa ko ang mga texts nila. The other messages and calls were from the girls. Oh my god, I am so late! I really have to apologize. Isang oras at kalahati ko silang pinaghintay. So I sent a message sa groupchat namin sa Viber.
To: Everyone
Guys! I am so sorry! Na-late ako ng gising. I am on my way.
My notifications bursted dahil sa replies nila.
Julia: Buti nagreply ka ng babaita ka! Tatawag na sana akong pulis kasi akala ko nakidnap ka na bruha ka
Miles: We were so worried! Akala namin may iba ng nangyari sayo, Kath. You didn't reply to our texts.
Lester: Ginalingan mo nga ata talagaKatsumi: Hali ka na rito, may isa na ditong hihimatayin na ata sa pagtatago ng kaba niya
Kumunot ang noo ko sa nabasa. Sinong nag-alala? Well, I shrugged it off, I know pinag-alala ko silang lahat. I was about to reply to say sorry again nang magpop ang name ni Daniel sa group chat.
Daniel: Ang tagal mo. Chix ka ba ha bat ang tagal mo
Seth: Sus, Daniel. Utot mo, kunwari gagalet pa pero nag-alala naman
JC: Pasmado talaga laway nito ni Seth oh
I rolled my eyes. Hindi ko nalang pinansin. Sanay naman na akong nag-aasaran sila eh. I just replied to say sorry to everyone.
***
Daniel's POV
We were waiting for Kathryn for almost two hours. Ang tagal ng babaeng yun. Ako nga, ni hindi ako nakapagbreakfast dahil ayaw kong malate dito pero siya, ayun nagpapasarap ng tulog. Sana all, mamshie.