CHAPTER 42
KATHRYN'S POV
Pinunasan ko ang luha ko pero patuloy pa rin yun sa pag agos nila. Mabuti nalang wala pa ring napapadpad dito sa park dahil kung meron, nakakahiya na yung hitsura ko talaga.
Patuloy ako sa pag iyak nang may bigla akong nakitang kamay na nakalahad ng panyo sa harap ko.
Tumingala ako at nakita ko agad ang nag aalalang mukha ni Daniel. Mas lalo akong naiyak at tumayo ako para yumakap sa kanya, niyakap niya rin naman ako pabalik. Mas lalo akong naiyak kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Daniel.. I-I'm sorry, nasaktan ko siya.." patuloy ako sa paghikbi.
Hindi siya nagsalita pero hinaplos niya lang ang likod ko habang niyayakap pa rin ako. "D-Daniel I'm... sorry, nasaktan ko ang kapatid mo."
Naramdaman ko ang paghigpit pa lalo ng yakap niya. Lalo akong naiyak. Totoo nga talaga na pag may nagcocomfort sayo o yumayakap sayo tuwing umiiyak ka, mas lalo ka lang naiiyak.
"Daniel.. I'm sorry" halos wala nang boses na lumabas sa bibig ko.
"Stop crying, okay lang yon." sa wakas, nagsalita siya habang yakap yakap ako.
Nang humupa yung luha ko ay dinala niya ako sa loob ng sasakyan. Nakita kong sumulyap siya sa kanyang relos bago ako tinanong. "Saan mo gustong kumain? Gutom ka na ba?"
Nang sumulyap rin ako sa kanya ay nakita kong ang nag aalala niyang mukha.
"H-Hindi pa naman ako gutom." sino ba namang makakaramdam ng gutom sa sitwasyong ganito.
"Kathryn, kailangan mong kumain." umiling ako kaya nagpatuloy siya. "Wag mo nang isipin si Jon.." humina ang boses niya nong sinabi niya yong pangalan ng kapatid niya. Alam kong nasasaktan din siya dahil nasasaktan si Jon kaya nga nagsosorry ako nang paulit ulit sa kanya.
"Wala akong gana eh." mahina kong sabi.
Umiling siya at agad na pinaandar ang sasakyan niya. Pinanood ko siyang magdrive, trying to divert my attention. Seryoso ang kanyang mga matang nakatingin sa daan at litaw rin ang nakaigting niyang panga. He looks mad.
Hininto niya ang sasakyan sa isang fast food chain. "I'll order some food. Just stay here, I'll be back." bumaba siya.
I took the chance to check my face on the mirror. Medyo maga yung mata ko at magulo yung buhok ko. Nakakahiya kay Daniel! Ano ba naman to!
Kinuha ko ang suklay ko sa bag at sinuklay ang buhok ko. Naglagay din ako ng consealer para matakpan yung maga kong mata. Jusmiyo, nakakahiya kanina. I look like a mess.
Pagkatapos kong mag ayos ay sakto namang pagdating ni Daniel na may dalang plastic ng mga pagkaing inorder niya.
"You'll eat, okay?" nag aalala niyang sabi sa akin pagkalapag niya nung mga inorder niya sa likod.
Tumango ako at ngumisi siya. "You fixed your hair, huh?" puna niya na nagpa init ng pisngi ko.
Hinampas ko ang braso niya sa inis ko dahil hiyang hiya ako. "Aray! Ano? Pinuna ko lang naman ah." tas humagalpak siya sa tawa.
"Ba't mo pa kasi kailangang sabihin?" pasigaw kong sabi.
"Yieee wag kang mahiya. Okay lang na mag ayos ka. Basta para sakin lang." at nagsimula na naman siyang tumawa kaya hinampas ko ulit. Mas malakas kesa kanina.
"Aray! Masakit ah. Isa pang hampas mo, hahalikan kita."
"Eh ba't ka kasi tumatawa? Kita mo ngang namomoblema ako kay Jon tas tinatawanan mo ko!"