CHAPTER 7
Kathryn's POV
Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilan mapatingin sa magkapatid. Masaya silang nag aasaran kasama ang barkada. Sa unang tingin, hindi mo talaga masasabing magkapatid sila. They look different. Jon's got this tan look, well Daniel's moreno, pero mas tan si Jon tingnan. Parehong matangos ang ilong nila pero magkaiba ng shape. Kahit lips nila hindi magkatulad! Siguro if there is one similarity na makikita sa mukha nila, iyon ay sa mga mata nila. Hindi sobrang pareho pero pareho na pag tinitigan ka, parang alam ang buong sikreto ng pagkatao mo.
Jon got this good boy, pretty boy vibe while Daniel has that gangster vibe. Astig tingnan na para bang lahat ng babae napapaamo niya at parang kaya ka niyang protektahan and such— wait what the actual fuck? Nasobrahan na ata ako sa pag-estima ng mga mukha ng dalawang ito when it doesn't really concern me.
Nagulat ako nang habang tinitingnan ko sila ay nag-angat naman ng tingin si Jon sakin. Tumitig siya nang matagal sakin kaya tumitig rin ako. May gusto ba itong sabihin sakin? Hay ang assuming ko naman.
Pagkatapos nang ilang segundong pagtitig niya sakin ay ngumiti siya nang malapad kaya napangiti ako nang tipid. He seems nice and welcoming. Sobrang opposite niya sa approach ni Daniel sakin. Lol.
"Ay approach!" napatili ako sa gulat nang hampasin ni JC ang lamesa. Jusmio, mabuti nalang at wala akong sakit puso dahil baka atakehin ako. Tiningnan ko nang masama si JC.
"What?"
"Grabe ho kasi kayo magtitigan. Nakakailang ho." natatawang sambit ni JC at doon ko lang narealize na pinapanood pala kami ng buong barkada. Ano ba yan! Ang malisyoso, kesyo nagtitigan lang eh! Sa New York, halos maghalikan na nga mga tao doon, hindi pa yon magjowa ha. Ito si JC, titigan lang grabe naman.
"May tao pa kasi dito, baka nakakalimutan ho natin." singit ni Katsumi. Isa pa to.
"Nakaka-OP pala pag may nagtitigan sa harap niyo no?" gatong ni Lester.
Halos mapa face palm ako dahil pinagtutulungan nila kami.
"Hoy mga gago. Tigilan niyo na nga yang pagiging chismoso niyo at lubayan niyo ang kapatid ko nang makakain nang maayos." iritadong sambit ni Daniel. Ay, galit ang lolo niyo?
"Oo nga! Kayo ang malisyoso niyo!" depensa ko kasi totoo namang wala talaga! Nacurious nga lang ako sa magkapatid.
Tiningnan pa ako nila Lester na parang inaasar ako na hindi sila naniniwala. Sus, bahala sila diyan.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain nang biglang magsalita si Daniel.
"Kath apoy ka ba?" biglaan nitong tanong.
"Oohh. Huli ka balbon." side comment ni Lester.
Napatingin ako rito bago ako sumagot. "Obviously hindi pero yeah, bakit? This better be good, Daniel." banta ko.
Nakikita kong parang pinipigilan niya ang matawa. I knew it. He is up to something that would definitely irritate me.
"Ang sarap mo kasing patayin." and he burst out into laughter pati na rin sila Lester.
Bwisit talaga!
"Baka gusto mo unahin kita?" ganti ko.
"Oohh palaban? I like it!" sagot niya at lalong humagalpak.
Napatingin naman ako kay Michelle na nakakunot ang noong tinitingnan si Daniel na tumatawa. Na para bang takang taka siya na tuwang tuwa ito. Pagkatapos ay tumingin ito sakin at inirapan ako. What now? Napatingin din ako kay Jon na matamang nakatingin kay Daniel.
Patuloy lang kami sa asaran at tawanan hanggang sa marinig namin ang bell hudyat para sa susunod na klase.
Nang mag alas onse ay tapos na ang lahat ng morning classes namin ni Julia. Mabuti nalang talaga at sabay kaming nag enroll kaya pareho ang mga nakuha naming schedules. Pag freshmen kasi, may nakaplot na na sched per block. Sa second year na kami makakapili ng mga classes na ia-add tsaka ido-drop. Mabuti nalang talaga at nandito si Julia, I don't have to go through it alone.
Habang naglalakad kami sa hallway ay narinig ko ang bulung-bulungan ng mga estudyante.
"Omg, siya yung girl sa bulletin diba?"
"Sino ba yan?"
"I bet she is a newbie. Di ako familiar sa mukha niya eh."
"Anyway, nakakahiya ah. Kadiri."
"Dugyot kamo."Hays. Ano na naman ba ito? Grabe ang mga estudyante dito ha, ang lakas ng bulong. Lol.
"I bet hindi niya pa nakikita ang nasa bulletin board."
"I know right. Kung ako yun, wala nakong mukhang maihaharap sa campus"
"Just yuck!"Ang arte! Nakatingin sila sakin so I stared back. I want to scare the shit out of them kaya sinamaan ko sila ng tingin. Bakit hindi nalang yung next class nila ang atupagin nila, hindi yung bulleting board.
"Bes, gusto mo ba tingnan natin anong meron sa bulletin board?" nag-aalalang tanong ni Julia.
Tumango ako at naglakad kami patungo sa bulletin board. Nang makarating kami ay maraming estudyante ang nagkukumpulan doon. May ibang tumatawa, may mga babaeng mukhang nandidiri at may nagpi-picture pa. Nakiraan ako dahil nakakacurious naman talaga.
Nang makita ko na ang talagang laman ng bulletin board ay nag-usok ang ilong ko. Mga picture ko pala ang pinagpi-piyestahan ng mga estudyante rito. At hindi lang basta picture! Picture ko na nanganglungat, nakanganga at mukhang inaantok.
Well, not that I care about how I look in public! Wala akong pakialam sa iisipin ng mga tao pero sa tuwing sumasagi sa isipan ko kung sino ang may pakana nito! Isa lang ang naiisip ko at nag iinit na ang dugo ko! Isa lang ang pwedeng gumawa nito.
"Humanda ka sakin, Daniel Padilla." inis kong bulong.
So you chose death, Daniel, huh?