Chapter 38
KATHRYN'S POV
"Yes dad . No , Im fine . I've been here for months now . It's not that hard to adjust naman pala gaya ng iniisip ko . At first , I had a hard time nung una but eventually, naging okay narin.... Uh yeah, actually I met new friends... Okay, bye then . I love you too."
And then I ended the call. Tumawag kasi si Papa to check on me, masyado daw siyang naging busy sa work kaya hindi siya nakatawag sakin agad. I understand tho.
Nakauwi na nga pala kami galing sa trip namin dun sa Adventure park. Limang araw na rin ang nakalipas simula nung nakauwi kami.
At gaya ng plinano ko, umiwas ako sa tropa. I'm trying kahit na ang hirap kasi napalapit na rin naman ako sa kanila at namimiss ko sila talaga. But this is the least thing I could do .
"Sorry guys, may project pa akong kailangang tapusin. Sorry, bawi ako .next time." yan ang lagi kong palusot sa kanila everytime inaaya nila akong maglunch or sumama sa kanila . Kahit wala akong gagawin o project na tatapusin, sinasabi kong meron para lang makaiwas. Nagla-lunch nalang ako sa labas ng campus dahil nasa cafeteria naman sila lagi nagla-lunch. Nakakamiss talaga sila pero habang maaga pa, iiwas na ko.
Babs :
Babs? Asan ka? Ba't di ka sumasama sa aming maglunch?
Lagi akong nakakareceive ng text na ganyan galing kay Jon o sa tropa pero same reason lang din ang sinasabi ko at sinasabi ko ring naglunch nako para di sila mag alala or what.
Hindi din naman ako nakakatanggap ng message galing kay Daniel. He has my number but he doesn't text me, not that I'm expecting a text from him but J admit, nakakalungkot. Hindi niya ba ako naaalala? O hindi niya ba naiisip na naglunch na ba ko o wala? Oh my, eh hindi naman kami. Ba't niya naman ako ititext, di niya ako responsibilidad.
Tinusok ko ang karneng kinakain ko habang kinakalikot ang phone ko, as usual, naglalunch nanaman akong mag isa. It's 3PM already at ngayon pa ko nakalunch, sobrang dami ko talaga kailangang tapusin. Ngayon totoo na, marami talaga akong ginagawa. Medyo sumakit yung ulo ko at nawawalan narin ako ng gana, siguro nalipasan ako ng gutom, alas tres na kaya.
Sinubo ko yung kanin at karne pagkatapos ay kinalikot ko ulit yiung laptop ko. Kailangan ko pang ipasa tong file na to mamayang 6PM kay Chienna kaya tatapusin ko muna. Isama pa yung mga projects at kung ano anong requirements. Sobrang stressing lang talaga.
Nang matapos kumain at natapos na rin ang file na inaayos ko ay tumayo na ko para pumunta ulit sa campus. Tiningnan ko ang relos at nakitang 4:30 pa kaya naisipan ko munang pumunta ng mall para bumili ng mga gamit sa school supplies dun. Gagawa akong visual aids para bukas .
Tambak talaga yung gawain ko these past few weeks. It's been 2 weeks nung sinumulan kong umiwas sa tropa at nakarma ata ako sa mga pagsisinungaling ko kaya ngayon ang dami kong projects at kung ano ano pang kailangan tapusin.
Nilibang ko nalang yung sarili ko sa mall habang naghihintay na mag6PM. Ito nalang ang hinihintay ko para sa araw na to at pwede na kong umuwi. Yun kasi ang usapan namin ni Chienna kasi may tinatapos din siya sa ibang club na member siya.
Tumitingin ako ng mga damit, medyo masakit yung ulo ko. Nalipasan ata talaga ako ng gutom, inaantok pa ko.
"Hi Kath." halos mapatalon ako sa gulat nang may taong sumulpot nalang bigla sa harap ko.
"Peste naman eh. Marlo, mamatay ako ng maaga dahil sa heart attack." at ang loko, tinawanan lang ako.
"Hahahaha sorry. Nakita kasi kita kaya nilapitan kita. Nagulat ka pala, sorry."