CHAPTER 6
Kathryn's POV
Tumayo naman si Daniel para ipakilala ang, well, I bet girlfriend niya. Psh, whatever.
"Ah by the way, Julia, Kathryn, I'd like you to meet Michelle Vito. My bestfriend."
Bestfriend?! Totoo?!
"Ha? Bestfriend?" takang tanong ni Julia
"Oh bakit may problema ka doon?" sarcastic na tanong naman pabalik ng bestfriend kuno ni Daniel.
Aba! Attitude tong babaeng to ah. Bastos.
"Hey, Michelle! I don't think it is right to talk to her like that. We invited them here, they are our friends. Wag kang bastos." halatang inis na sabat ni Ingrid.
"Hey guys, take it easy. Kalma tayong lahat." pagpapakalma ni Daniel sa mood. Lol, if hindi niya dinala dito yan edi wala sanang gulo. Bitchesa pa naman yang bestfriend niya.
"Here upo ka rito, Michelle." Pinanood ko kung paano pinaupo ni Daniel ang bestfriend niya. Seriously? Bestfriend lang to? Eh nung nakaraan, may pa kiss-kiss sa cheeks pa silang nalalaman, pulupot ng kamay sa leeg tapos ito ngayon may special treatment kahit sa pag upo. Talagang bestfriend lang?
"Oh bakit nakanganga pa rin kayo diyan? Ganda ko ba masyado?" tatawa tawang tanong nung Michelle.
Well yeah, she is pretty pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kami tulala. Tulala kami sa ugali niya.
"Huy guys, joke lang yon!" bawi naman niya.
Pinagpatuloy lang namin ang pagkain nang bigla namang tumikhim si Michelle.
"You know what, DJ, I'm not comfortable sitting here. Hindi ko alam na bago na pala ang seating arrangement rito?"
I did not mind. Patuloy lang ako sa pagkain. It is her life, wala akong pakialam kung mag inarte siya diyan. Ang sarap pala ng tacos with beef and cheese rito sa cafeteria, mura pa.
"That is my seat." naramdaman kong tinuro niya ang banda ko kaya mula sa pagsubo ng tacos ay napa-angat ang tingin ko sa kanya.
"Dito?" takang tanong ko.
"Paulit ulit ka girl? Bagal ng pick up? Hirap maka-G, ganon?"
Bitch.
"Sorry hindi ko alam na kahit dito sa cafeteria may sitting arrangement?" sarcastic kong sagot pabalik. Anong akala niya sakin? Nakita ko namang umusok ang ilong niya sa galit.
"Look, I do not know where they got you but watch your mouth. Bago ka palang sa tropahang to pero kung makaasta ka, akala mo kung sino ka."
Sinimot ko ang huling tacos pati yung beef at cheese bago ko ulit siya binalingan.
"Hindi ko alam na pa raffle pala ang maging myembro ng tropa no? Na may pa-contest? Animo'y the early bird catches the worm. I'm sorry kung ganito ang tabas ng dila ko, Miss Michelle. Hindi ko kasi ugaling baby-babyhin ang may mga bitchesang ugali. Now, if you'll excuse me. Alis nako, ubos ko na yong tacos ko." tumayo ako at binitbit ang softdrinks ko. Sayang to, bayad na to.
Nagpaalam ako kina Ingrid at sa lahat ng nandoon. I just need to get out of here. I have believe that I should not rain on ang woman's parade pero sobrang nakakabwisit ang ugali ng babaeng yon! Bastos.
"Kath! Wait up!" rinig kong tawag ni Ingrid but nagkunwari akong hindi ko narinig. I'm sorry, Ingrid pero nabwibwisit nako sa tropa niyong yon.