Zel's POV~
Pagkauwi ko ng bahay, Napaisip nga ako sa sinasabi ni Ysabelle sa akin. Maaraing magkatotoo nga yung Sinasabi nya sa akin na baka masaktan lang ako. p-pero mahal talaga kaya ako ni Marco?
Ayaw ko ng masaktan muli. Ayaw ko na. Kahit 5 years ago na ang nakakalipas. Sariwa pa rin sa akin yung mga nangyari noong 10 years old pa lang ako. Oo. masyado pa din akong isip bata noon, pero anong magagawa ko eh nainlove ako sa Bestfriend ko noon.
It was like this before..
10 years old ako, Grade 6 Kasalukuyan pa lang akong nagaaral sa St.Joseph Academy noon. Tapos Bestfriend ko ang crush ko . Ang Pangalan nya ay Christian. teka.. aalalahanin ko lang ang Apelyido. M-endez ata. not sure pero M ang umpisa.
Halos araw araw kaming magkasama ni Christian noon, hanggang sa mahulog na ang loob ko sa kanya. Kaya lang napaka Cold nya sa akin. Bestfriend nga kami pero hindi sya masyadong Talkative. Minsan minsan lang kami nag uusap.. Wala rin syang Bff na lalaki. Kaming dalawa lang ang Mag bestfriend sa classroom. Magsama ba naman ang pinakamaganda at pinaka gwapo. Haha. Charot!
At ang Diary ko, Halos araw araw kong sinusulat doon ang nararamdaman ko para kay Christian. Nahihiya kasi akong aminin sa kanya lahat ng feelings ko eh. Baka kapag nalaman nya na may gusto ako sa kanya ay mawasak ang pagkakaibigan namin eh. Kaya kinimkim ko na lang.
At Malapit na rin ang Graduation. Hindi ko pa nasasabi sa kanya lahat ng feelings ko.
Isang araw, 3 days bago ang Graduation/recognition. Tinawag ako ni Christian sa Isang Garden sa School. Excited na excited ako noon.
Pinaghandaan ko ang lahat ng sasabihin ko. Baka nga aminin na nya sa akin na Gusto nya ako.pagkadating ko doon, Nadatnan ko syang nakaupo sa isang bench, nilapitan ko sya
"hi chris! ano ba yon?" tanong ko sa kanya.
"Uh.. may gusto kasi akong sabihin" sabi niya.
Eto na to na.. Ang tagal kong hinihintay to.. Ano kaya isasagot ko. " Oo chris. gusto din kita. gustong gusto kita. salamat!" OMG! hahaahaa Sana nga..
"Ano yun?" ako.
ayan na.. Omg dis is it
"Ahh.. meron kasi akong gustong babae.."
..
.
.
parang nawawarak ang puso ko dun ah. Umasa kasi ako. ang saklap.di ako makahinga ng maluwag dun ."Ah.. "
"Ah. sino naman? " ako.
"Basta. Gusto ko lang humingi ng tulong sayo. Gusto ko lang malaman kung ako ang mga gusto ng isang babae." sabi niya.
"Ah.. Haha" i laugh to hide the pain. It Hurts.
........2 days to go..
Naglalakad ako sa kung saan saan. Gusto ko lang ng pangpalipas oras
Habang naglalakad, May nakita akong dalawang tao sa isang gilid. Lumapit ako sa kanila.
Omg. si Chris to ah kasama si .......
Bettina?
So. Siya pala ang babaeng gusto nya.
Mas lumapit pa ako para pakinggan ang pinaguusapan nila.
"Ahh. kaya naman pala eh. hahaa" sabi ni bettina.
"So payag ka?" Si Chris
"Haha. ako pa ba? sige ba" sya
Umalis na ako doon dahil nadudurog na talaga ang puso ko. Hindi ko kayang pakinggan ang ganoon. Si Bettina, tinuring ko syang Second Best friend. pero ano? Ano ang ginawa nya??
Makalipas ang mga araw. natapos na ang grduation. Grumaduate akong Valedictorian. Pagkatapos nun di na ako muling nagpakita pa ulit kay Christian. At napagisipan ko na mag transfer ng school sa Fardens academy.
...
T-teka.. N-nasaan pala yung diary ko? Matagal ko na palang di nauupdate yun. Ay. naalala ko na pala. .
but....
Hawak hawak ko pala ang diary ko nun . kaya pagkatapos kong marinig ang pinagusapan nila, sumakit ang puso ko kaya hinagis ko yung diary na yun sa damuhan. Pinabayaan ko na yun kung sino man ang makakabasa nun. Bahala na. Aalis na din naman ako sa School na yun eh.
It's too funny to remember thoses days pero sobrang sakit para sa akin nun. I know that was just a childhood love but the pain is still there. Lalo na't walang naging kalinawan ang lahat ng bagay bagay na nangyari noon and Chris? I don't know where he is now. Baka nagtagal sila ni Bettina or baka may iba nang nagpapasaya sa kanya. It's already done. hahayaan ko na lang iyon na ibaon sa nakaraan. I'll just focus on my present but surely, my past will still remain unsolved.
BINABASA MO ANG
When a stalker fall in love
RomantikKrizel Angela- A girl with a sweet smile and a fascinating eyes. She's living nicely with her mom and she have all of her needs. Despite of being so lucky in life, her experience with love is nothing. Yet, she knows how to think if a man is good but...