Chapter 36- He's my Ex.

222 6 1
                                    

After Nung Gabing yun di na ko nagsalita pa sa mga parents ko. Ang labo naman ni dad. Ang sabi nya sakin ayaw nya si Marco pero bat sya pumayag sa agreement na yun!? Ganun na ba kahalaga sa kanya ang Pera kesa sakin!?

Hindi din ako pumasok ng School for three days dahil gusto ko munang makpagisip isip. Baka kapag nakita ko ulit ang mukha nya mainis lang ako lalo. Thursday ngayon at Papasok na ako ngayon dahil na refreshed na din ang Utak ko Sana lang walang Panggulo.

Sinabi naman sakin ni Ysabelle na nag lecture lang sila sa ibang subject at nag lesson. Kaya ko namang humabol.

"Zel, Papasok ka na ba?" Tanong ni mom. Hindi naman ako galit sa mga parents ko. It's just... Na.. Naiinis lang ako sa kania dahil Ipapakasal nila ako sa Ex ko pa. Aist.

Tumango lang ako at aalis na sana kaso tinawag nya ulit ako.

"Ah wait Anak...."

Humarap lang ako sa kanya then nag *what-look*

"Anak, Pasensya ka na sa nangyari nung gabing yun. Hindi namin alam ng dad mo na ex mo pala yung anak nila. Hindi naman na kami makatanggi dahil na settled na. Sana maintindihan mo anak na... Kapag hindi pumayag ang Dad mo sa Agreement ng Company na yun, Babagsak ang Company natin at maghihirap tayo... " Pagpapaliwanang nya.

I sighed. "Let's see. I'll get going mom. Malelate na ko. Bye. " Sabi ko then nagpaalam na At sumakay sa Kotse. Si Manong driver muna mag da drive ngayon dahil ayoko mag drive ng wala sa isip. Hays...

~~~~~~~~~~

Pumasok ako sa Classroom. Seems like Magkakaroon kami ng P.E ngayon at nagsisibihisan na sila. Hindi muna siguro ako sasali, Wala naman akong P.E. Walang nagsabi sakin na may P.E ngayon.

Naupo ako Sa Chair ko sa dulo sa tabi ng Window. Tumingin ako sa labas at Sinalpak ang Earphones sa tenga ko. Sinasadya talaga ng Music Gallery ko na pang senti ang kanta. Tsk. Haha.

"Okay Class! Settle down! Pupunta kayong lahat sa Gym. Ang P.E natin ngayon is Basketball. Pati Girls kasali. So Tara ng bumaba. " Sabi ng Teacher namin sa Mapeh. Nagsigawan naman yung iba. Yung mga maaarteng babae naman nagiinarte na naman. Tsk. Kadaming arte .

~~~~~

Natapos naman yung P.E namin, I mean nila. Nanonood lang ako sa kanila. Iba na lang daw ipapagawa sakin ni Sir sabi nya sakin kanina para daw makahabol ako.

Palakad lakad ako dito sa Loob ng School. Kung saan saan ako nagpupunta. Recess na namin. Ayoko namang pumunta sa Canteen dahil madaming tao dun. I hate Crowded places mas gusto ko sa tahimik na lugar.

Habang naglalakad ako may humatak ng kamay ko kung saan ako dinadala.















"M-marco....." Nasasaktan kasi ako sa hawak nya sa kamay ko...

"......." Inalis naman nya ang kamay nya at medyo dumistansya sa akin.

Oh noesss.. This is going to be awkward..

"Alis na ko. " Sabi ko then aakmang aalis . Hinablot na naman nya kamay ko.

"Bat ka absent?" Cold nyang tanong.

Ako? Bakit ako absent? Absent ako dahil sayo! Lahat ng to dahil sayo! Nagkakaganto ako dahil sayo! Dahil sinaktan mo ako! Dahil winarak mo ang puso ko! Dahil Pinaasa mo ko! Dahil Niloko mo ako! Hindi sana ako magkakaganito kung hindi kita nakilala manloloko ka! Ang kapal naman ng mukha mong tanungin sakin yan?! Ngayon!? Sagutin mo yung tanong mo kung bat ako absent! - Gustong gusto ko sabihin sakanya lahat yan. Gusto kong Isampal sa mukha nya lahat ng salitang yan pero hindi ko magawa....

When a stalker fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon