"Bakit pa kasi kailangang ilapit sa tenga ko yung sasabihin nya! pwede namang sabihin ng maayos hindi yung hanggang leeg ko ramdam ko hininga nyang mainit a-at m-mabango." nakauwi na 'ko at kasalukuyang gabi na, buong maghapon sa school ay hindi ako makapag concentrate pero sakanya parang wala lang. Pagulong-gulong ako sa kama ko ngayon dahil ni minsan hindi pa nangyari sa'kin 'yon.
"Mabango? nababaliw kana ba ella? hindi! hindi! ba't ko ba binibig deal 'yon!" nakakahiya pag nalaman nila na nagkaka ganito ko dahil lang doon sa transferee na nerd na 'yon. Pero naalala ko bigla yung mga mata ni nerd nung tumitig sya sa'kin, iniimagine ko kung hindi ganon ang hati ng buhok nya, kung aalisin yung salamin nya sa mata at braces nya, gwapo sya siguro.
"Ano bang pinagsasasabi mo Ella? natuluyan kana!" sapok ko sa sarili ko, kinuha ko ang cellphone ko na hindi mamahalin pero mapag t-tiyagaan na. Pumunta ko sa bintana namin at itinaas ang cellphone ko para makasagap ng signal dahil free data lang ang gamit ko at saka nag log in ako ng facebook at nakita kong may isang friend request ako.
"Viel Aries Cruz: Confirm | Ignore"
Agad na nanlaki ang mga mata ko ng nabasa kung sino yung nag friend request sakin pero nakita kong may nakalagay na mutual friends at agad akong naginhawaan sa di malamang dahilan dahil 'di lang pala ko yung inadd nya. Agad kong tinignan yung profile nya, dp nya isang lalaking nakatalikod pero katindig nya iba nga lang ang ayos pero hindi makita ang mukha, at tinignan ko kung ilan ang friends nya.
"50 lang?!" pero siguro may ganon talagang tao pili lang ang fini-friend, sabagay nerd sya kaya konti lang siguro kaibigan nya, tinignan ko kung san sya nag aral, wow! galing palang syang America! hindi na kataka-taka dahil pang mayaman ngang school ang Gabriel High. Bukod doon wala nakong nakita pang iba, kaya napagdesisyunan kong i-off na yung cellphone ko at bumalik sa kama para matulog.
Kinabukasan alas cinco ng umaga, isang oras bago magsimula ang klase namin bumili ako ng pandesal para sa iaalmusal namin nila Nanay at Tatay kasama ang nag-iisang kapatid kong lalaki na si Gideon na kasalukuyang third year, isang taon lang ang tanda ko sakanya pero nag-aaral sya sa public school, ewan ko dyan pero okay na daw sya sa school nya dahil kung tutuusin matalino si Gideon, naaalala ko bigla si Nerd sakanya nakasalamin din si Gideon pero walang braces at nasa tamang ayos ang hati ng buhok, kumbaga mild palang ang pagka nerd physically nitong si Gideon. Ang trabaho ni Nanay at Tatay ay Tindero't tindera, may maliit kaming tindahan at nagtitinda kami ng hamburger ayos lang ang kinikita namin sapat para sa pang-araw araw naming dalawang magkakapatid.
Pagkatapos kong bumili ng pandesal at palaman na keso napa daan ako sa isang coffee shop at dahil kita yung mga costumer sa labas may nakita 'kong isang lalaki pero hindi ko maaninag ang mukha dahil nasa malayong side 'to habang nagbabasa ng dyaryo, may inilagay ito sa ngipin nito, ng pasimple at walang nakakakita ano yun? braces? may di ganon na ba? aalis na sana ko ng may lumabas mula don sa coffee shop na mga babae na mukhang mayayaman at don nag breakfast sa coffee shop na 'yon.
"Shet, ang gwapo ni Kuya!"
"May Girlfriend na kaya 'yon?
"Pati pagbabasa nya ng newspaper ang gwapo, girl mukhang mayaman si kuya naka rolex!" sabi ng mga babae habang kilig na kilig na lumabas mula sa coffee shop. Nagkibit balikat lang ako at tuloy tuloy na pumunta sa bahay namin para kumain na ng almusal.
"Ate, ba't natagalan ka? 'wag mong sabihin na nakikipagkita kana ng palihim, may boyfriend kana ba ate?" seryosong sabi ni Gideon sa'kin habang nagbabasa ng dyaryo na parang matanda at humihigop ng kape, binatukan ko sya.
"Tigilan mo 'ko Gideon, ang aga aga pa para dyan! saka wala akong boyfriend 'no!"
"Tigilan nyo na 'yan at kumain na tayo ng almusal." sabi ni nanay at umupo na kaming lahat kasama si tatay at saka nag dasal bago kumain, kuntento na 'ko sa ganito basta buo kaming lahat.
Agad agad kong sinubo ang tinapay na natitira sa kamay ko at dumiretso sa C.R at ginawa ang ritwal ko tuwing umaga, nagbihis na'ko at dumiretso papunta school, sapat lang ang oras para di ako malate, pagka dating ko ng school tinignan ko ang relos ko at kinse minutos bago magsimula ang klase. Dumiretso muna ko sa rooftop ng kabilang building abandonado na ito at pinagbabawal ang mga estudyante na pumunta, pasaway na president sabi ko sa sarili ko pero wala pa namang nakakakita sakin na pumunta dito.
May nakita kong nakahiga na isang lalaking nakasalamin.
"Ba't di mo inaccept friend request ko?" nagulat ako ng bumangon ito ang nag inat.
"N-nerd? Anong nangyari sa b-buhok mo?" agad kong sabi ng nakita kong maayos na at wala na sa gitnang hati ang buhok nya.
"Bakit? haha, mamaya ko na aayusin bakit nga di mo pa ko inaaccept?" halakhak nya habang nakaupo, at tinapik ang space sa inuupuan nya.
"Maupo ka muna dito." ako naman hindi makapagsalita kaya hinila nya pa 'ko para makaupo.
"K-kailangan pa ba 'yon? h-hindi naman tayo close." naalala kong di ko sya naaccept dahil abala ko sa pagtingin ng profile nya kagabi hindi ako makatingin ng maayos sakanya kaya nakatungo lang ako. Pero nagulat ako ng humiga sya sa hita ko. Nanlaki ang mata ko at bago ko maiangat ang hita ko para alisin yung ulo nya, inangat nya ang ulo nya papalapit sa mukha ko, kaunti lang ang distansya namin.
"Gaano bang close ang gusto mo?" sabi nya saka ngumisi at saka tumawa at umalis.
"AHHHHHH! NERD NAMUMURO KANA SA'KIN!" sigaw ko habang nagpapapadyak sa inis.
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomanceMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...