"Kailan nyo po balak ipakilala ang tagapag-mana ng Marticia Corporation?"
"Bakit ayaw nyo pong sabihin kung sino sa mga anak nyo ang magmamana?"
"Bakit ayaw nyo pong ilabas sa media ang mga Identities ng mga anak nyo?"
"May problema po ba kaya hindi pa inilalabas kung sino ang magmamana?
"I just want to give them a privacy, ayokong i-expose muna sila sa ganitong klase ng mundo, you'll know soon." tipid na ngiti ng ginang sa mga reporters. Siya si Agatha Gabriella C. Marticia asawa ng kilalang business tycoon hindi lamang sa pilipinas kundi sa buong mundo na si Deogratius Marticia na nasa edad kuwarenta'y dos pa lamang, Ama ng limang lalaki, pribado ang buhay ng kanyang mga anak at nais nyang ipamana ang Marticia Corp. sa Pangalawang anak nya ngunit hindi muna ngayon dahil inihahanda nya pa ito sa aakuin nitong responsibilidad, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, umalis sakanilang poder ang kanyang pangalawang anak kaya naudlot ang kanyang mga plano, bibigyan nya muna ng oras ang kanyang anak dahil alam nyang hindi basta basta ang iniatang nya dito, Nilagay nya ang kanyang kaliwang kamay sa beywang ng kanyang misis at pumasok sila sa van habang hinahawi ng kanilang bodyguards ang mga reporters na walang tigil na nag tatanong na parang uhaw sa sagot at hindi pa sapat ang binigay na sagot ni Mrs. Marticia.
Pinatay ni Micaella ang TV at napabulong sa balita na kaniyang napanuod.
"Sus, mga mayayaman nga naman buti pa sila yan lang problema tss. Infairness huh Sino ba 'yang tagapagmana na yan at masyadong pabebe? kala mo naman kung sinong gwapo nako hula ko kaya ayaw ipakita yang mga anak ng mga Marticia na 'yan dahil siguro mga panget!" pero napahinto sya sa sinabi nyang 'yon, panget? pero naalala nya ang mukha ng mag-asawang Marticia ang gwapo at ang ganda nito, hinampas nya ang kaniyang pisngi.
"Pake ko ba sakanila? nababaliw kana ella!" Agad syang tumungo sa banyo ng makita sa orasan na male-late na sya sa kanyang school. Nang matapos syang maligo at magbihis ng uniform at mag pusod ng buhok, tumingin muna sya sa salamin para tignan kung maputi pa ba ang kanyang mukha dahil sa pulbos at ng makumpirmang ayos na, huminga sya ng malalim at saka pumunta sakanyang nanay na nagluluto at humingi sya ng baon nya, lumabas sya at sumakay ng jeep papuntang school.
Pagkabungad nya palang sa gate ng kanyang school ay binati nya si Manong Guard na naka close nya dahil kung minsan sa Guard House sya tumatambay pag hindi nya feel kumain sa canteen, nagmamadali syang lumakad at binati sya ng mga estudyante.
"Good Morning Ms. Pres." ngiti ng mga ito sakanya pero alam nyang pilit lang ito, kilala sya bilang mataray at masungit kaya alam nyang hindi sincere ang pagkakabati sakanya. Kahit hindi sila kayamanan, bilang scholar gusto nyang may mapatunayan naman kaya siguro naging President sya dahil kahit ganon ang ugali nya alam ng mga estudyante doon ang abilities nya. Well Gabriel High is a private school, hindi nya afford ang tuition fee dito pero napasok sya bilang scholar.
Dali dali syang tumakbo ng marealize na ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase umakyat sya ng hagdan at buti nalang ay sa 2nd floor lang ang room nila at pumunto sa unang pinto, pagkapasok nya ng room narinig nyang nagbubulungan ang kanyang mga kaklase.
"Uy Girl, may transferee daw na lalaki at sa section daw natin ilalagay!."
"Jusko! Sana hot ang isang 'to! Bakla, aasa nanaman ako."
Ayan ang narinig nya, alam nyang may mag ttransfer pero hindi nya na tinangka pang alamin ang tungkol dito, maya maya pa dumating ang teacher nila para sa unang subject, nang matapos itong maglecture, pinakuha sila nito ng sagutang papel at habang binubuklat ng teacher nya ang libro nitong hawak pinaglaruan nya sa kamay nya ang ballpen para pampalipas ng oras.
"Question no. 1, What is the cause--" natigil ang pagsasalita ng kanyang teacher ng may pumasok na isang lalaki. Halos nanlalaki ang mata ng mga babae nyang classmate at hindi naman mapigilan na matawa ng kanyang mga lalaking kaklase pinatahimik nya ito at epektibo naman ngunit halatang nagpipigil ng mga tawa ang mga ito.
"Hello po, I'm sorry i'm late ma'am" sabi ng lalaki.
"Well I guess you're the transferee right? Dahil bago ka palang palalagpasin ko muna ito pero sana hindi na maulit ang ganito, please proceed in front and introduce yourself to your new classmates." sabi ni ma'am.
"Hi, My name is Viel Aries Cruz. It's nice to meet you all." sabay ngiti nito at lumitaw ang mga braces nito sa ipin. Bagsak ang mga balikat ng mga kaklase kong babae.
Braces, Eyeglasses na suot nito, hati ng buhok nito sa gitna, in short NERD.
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomanceMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...