Chapter 26

34 3 0
                                    

Author's note:

Hindi ko po alam kung bakit nag update yung chapter 20 nito o baka naman po napindot ko lang o kaya naman minumulto tayo haha, naka private na po yung IG ko dahil may picture po ako doon pero maluwag ko po kayong tatanggapin na i-follow ako, naks! noong weekend ang ginawa ko ay yung stories ng mag kakapatid na matagal-tagal pa bago nyo mabasa :p

-

"t-teka seryoso ka ba dyan hijo?" nagulat na tanong ng Nanay ni Ella kay Genesis dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi ng binata kani-kanina lang.

"Opo." seryosong sabi naman din ni Genesis sakanyang kausap.

"P-pero teka, namumukhaan kita. Ikaw yung nag hatid sa anak ko 'di ba? nung inalagaan ka nya?" sabi ng Nanay ni Ella habang nakakunot ang noo na parang may iniisip at gustong ialala.

Napaisip si Nerd, nung nagka lagnat nga pala sya, nung inihatid nya si Ella dito sa bahay nila umalis sya ng walang suot na pang disguise pero ang pakilala nya sa sarili nya sya din si Nerd na classmate ni Ella, tinamad lang sya mag suot ng salamin dahil gabi na pero hindi nila alam kung sino talaga sya.

"Ang talino talaga nila, mana siguro si Ella sa Nanay nya dahil naalala pa 'yon." sabi ni Nerd sa isip nya.

"O-opo ako nga po 'yon, Sorry po kung nag sinungaling po ako sa inyo pero gusto ko pong makiusap sa inyo, sana po 'wag nyo pong sabihin kay Ella yung mga nalaman nyo po." sabi ni Nerd na parang nakikiusap.

"Bakit naman? hindi ba't baka ito yung maging sanhi ng away nyo?" tanong ng Tatay ni Ella na kanina ay tahimik ngunit ngayon ay nakisali na din sa usapan.

"Gusto ko lang po kasing makilala ako ni Ella na simple lang, pabayaan nyo po sa mga susunod hahanap po ako ng tiyempo para masabi ko po kay Ella 'to." sabi ni Nerd at makikita na seryoso ito sa mga mata nito.

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon