Chapter 14

26 1 0
                                    

"Grabe! Nalunod ako Gideon! Ang lalim mo masyado!" sagot ko pagkatapos kong marinig ang napaka habang sinabi nya. Hindi ko alam kung anong nakain ng kapatid ko kung bakit ganon sya mag salita at napakalalim tatawa-tawa kong humilata sa kama at nag panggap na tulog pero iniisip ko yung kaninang sinabi saakin ni Gideon.


"Parang pag-ibig, hindi mo alam ang mangyayari kung babaliwalain mo lang ang nararamdaman mo at aakto na parang wala lang."


Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ng kapatid ko saakin kanina, hindi ko man aminin pero yung sinabi nya eh parang sinampal ako sa katotohanan at dapat kong gawin. Nakakahiya at isa akong scholar pero pag dating sakanya itong simpleng nararamdaman ko ay hindi ko masagot. Kung sana math problem nalang 'to malamang wala na 'kong pinoproblema ngayon at iniisip. Nakakahiya pa't kapatid ko pa ang nag sabi non at nag mistulang bunso pa 'ko at sya pa ang nag advice ng dapat kong gawin.


"Gideon." iminulat ko ulit ang mga mata ko at nagsalita at nakita kong patuloy parin sa panunuod ang kapatid ko.


"Paano mo naman nasabi yung mga binaggit mo kanina eh di ka pa naman nakakaranas non?" tanong ko.


"Nakaranas ng alin?" sabi nito habang tutok parin sa panunuod at humihigop ng kape, parang matanda talaga 'tong kapatid ko pero hindi sa pag mamayabang at may itsura ang kapatid ko minsan may pumupunta ditong kaklase nyang babae na halata naman na may gusto sa kapatid ko pero 'tong kapatid ko ay pinag lihi ata sa kasungitan at puro aral at anime lang ang inaatupag.


"Y-yung ano yung k-kung pano ma-inlove." sabi ko.


"Ate, baka nakakalimutan mo isang taon lang ang tanda mo sa'kin? 4th year ka at 3rd year ako. High school palang tayo at sa tingin man ng iba ay masyado pa tayong bata para sa sinasabi nilang pag-ibig pero lalaki ako ate, at walang pinipiling edad at pagkakataon kapag naramdaman mo 'yon. Hindi lang ako nag g-girlfriend dahil gusto ko munang makapag tapos ng pag-aaral at tulungan sila Nanay at Tatay, hindi ko sinasabing ganon din ang gawin mo pero alamin mo ate kung ano ang tama. Pwedeng mag boyfriend ka pero alamin mo mga priorities mo at wag mong gawing hadlang yung pag bo-boyfriend para maabot 'yon, kundi gawin mong inspirasyon 'yon para makamit mo yung mga priorities mo sa buhay." sabi ni Gideon na syang nakapag patahimik saakin. 


"Halika nga dito." tumayo ako at inipit ko kunwari sa braso ko ang leeg ng kapatid ko at ginulo ko ang buhok nito.


"Ate!" sabi nito habang inaayos ang buhok na ginulo ko.


"Hay, ang bilis talaga ng panahon! Nag ma-matured na ang bunso namin." sabi ko habang bumabalik sa kama.


"Bakit ba tanong ka ng tanong ate at sino bang lalaki 'yan? Si Kuya Genesis ba?" agad namang napa-kunot ang noo ko ng nag salita ang kapatid ko.


"Genesis? sinong Genesis?" sabi ko dahil wala naman akong kilalang Genesis.


"Yung classmate mong kasama dito nung gumawa kayo ng project!" nang sinabi ni Gideon 'yon ay bigla kong naalala na si Nerd lang naman ang kasama ko dito sa bahay nung gumawa ng project.

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon