Author's note:
Wow! nakaka chapter 20 na 'ko, simula 11 yrs old ako nung nag simula akong mag sulat for the record ito ang pinaka maraming chapter na nagagawa ko so far! and wow nakaka chapter 20 kana sa story kong magara haha!
-
"Psst!" sitsit ko dito habang natutulog sya sa desk nya.
"Uy, Nerd!" bulong kong sabi dito dahil maaga pa at wala pa yung mga classmate ko sa kabutihang palad.
"Psst! bahala ka 'to na jacket mo ah, nilabhan ko yan!" sabi ko dito at hinagis ko ang jacket sa mukha nito at parang wala lang ito sakanya.
"Uy! Ano ba, may regalo ako sa'yo!" agad itong napabangon, tinanggal nito ang salamin nya at kinusot-kusot ang mata.
"'Di nga? grabe ang gwapo ko talaga hindi ko pa sinisimulan sinasagot mo na 'ko haha, ibang klase talaga 'ko!" pag mamalaking sabi nito at saka ko ito inirapan.
"'Wag kang assuming Nerd!" sabi ko dito at ngumuso lang ito, kinuha nya yung jacket na nalaglag sa lapag dahil bumangon sya at ng sinipat nya ito ay may nakapa syang box.
"Eto na ba 'yon?" excited na sabi nito at kinuha nito ang maliit na box na nakalagay sa bulsa ng jacket nya saka nag mamadaling binuksan 'to.
"Grabe! nag po-propose ka na ba sa'kin? kaya pala hindi ka makasagot kagabi!" sabi nito at tuwang tuwa na sinukat yung singsing na binigay ko.
"Gagi!" sabi ko dito pero laking pang hihinayang ko ng hindi kasya dito yung singsing na niregalo ko.
"Waaa! hindi kasya! Sorry Nerd! pamigay mo nalang yan." sabi ko dahil sobrang nanlumo ako ng makita kong hindi kakasya 'yon, pero nagulat ako ng sinuot nya yung singsing sa hinliliit nya.
"Wala akong pake kung hindi kasya, basta bigay mo magugustuhan ko. Salamat dito." sabi nito at saka pinitik ako sa noo.
"Aray! aish! Ano ba 'yan kailangan may pitik pang kasama? ay teka teka hindi kasi kasya sa box 'to." saka ko nilabas yung catalogue na naglalaman ng meaning ng mood ring na binigay ko sakanya.
"'Yang singsing na binigay ko, hindi lang basta bastang singsing sya. Mood ring tawag dyan hindi man kapani-paniwala pero kunwari maniwala ka nalang, based sa nararamdaman ng taong may suot ng singsing na 'yan nag iiba kulay nya. Eto yung catalogue, andito yung meaning nung mga kulay." nakikinig lang ito saakin at saka binasa nito yung mga meaning ng kulay.
"White = Calm, Black = Stressed, Red = Angry, Pink = Love, Yellow Green = Sad, Ice blue = Worried/Nervous, hanep 'to ah!" sabi nito at tinignan ko yung kulay nung singsing na suot suot nya.
"Ice blue! teka, kinakabahan ka ba o nag aalala ka?" sabi ko sakanya dahil nakita kong 'yon yung kulay ng singsing nya. Napa buntong hininga 'to.
"H-huh? 'di ah! 'di naman siguro accurate 'to lagi saka kakasuot ko palang." napa kibit-balikat nalang ako dahil may punto rin sya sa sinabi at saka kakasuot pa lang naman nya. Nag paalam akong mag c-cr muna sandali dahil ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang klase pero narinig kong nag salita 'to pero hindi ko naintindihan kaya tuloy tuloy nalang akong lumabas ng room.
"Damn! pahamak 'tong singsing na 'to! ganon ba talaga 'yon at kapag nasa harap mo ang taong espesyal sa'yo ay daig mo pa kinakabahan?" sabi ni Viel sakanyang sarili at saka pinag kiskis ang kamay na kanina pa nanlalamig.
-
"Hi!" nagulat si Ella ng may tumawag sakanya pag kalabas nya ng CR.
"Uy Gab! Musta?" nakangiting sabi sakanya ni Ella kay Gab habang tinitignan ni Gab yung oras sa relos.
"5 minutes nalang mag ta-time na, ahm Ella pwede bang makausap ka sa rooftop?" aayaw sana si Ella pero nakiusap si Gab sakanya kaya kahit hindi sigurado ay napapayag ni Gab si Ella na pumuntang rooftop.
"G-gab anong pag uusapan natin?" tanong ni Ella kay Gab habang si Gab ay nakapamulsang nakatingin sa kabuuan ng school nila habang nakapamulsa.
"I just want to say something to you." naguluhan si Ella sa sinabi ni Gab at dahan dahan itong humarap sakanya, parang ibang tao ngayon ang kaharap nya dahil napaltan ito ng seryosong titig sakanya.
"Alam mo bang kapag may plano ako at may istorbo sa plano ko tinatanggal ko yung sagabal? Alam mo din ba na ang dahilan ng plano ko ay ikaw at ang sagabal naman ay yung nerd mong kaklase?" agad na nanlaki ang mata ni Ella sa narinig nya.
"Ikaw lang naman yung sagabal dito." nalingon silang dalawa ng may nag salita malapit sa hagdanan.
"Nerd?" tawag ni Ella.
"Umalis ka muna dito Ella." kahit naguguluhan ay unti unting tumayo si Ella at umalis sa rooftop dahil magsisimula narin ang klase.
"Hindi ko alam na nag sisimula ka na ngayon sabagay ikaw pa ba?" seryosong sabi ni Nerd kay Gab.
"Isang babala lang, kung ako ang sagabal sa plano mo, hindi basta basta ang babanggain mo. Dahil kung dati wala akong ginawa at hinayaan lang kita, Ngayon lalaban ako dahil may rason na para lumaban ako." sabi ni Nerd kay Gab.
"As if I'm scared to you, Genesis." nakangising sabi ni Gab.
"Dapat kang matakot, alam mo ba kung bakit?" ganting ngisi nya kay Gab.
"Dahil kausap mo ang nag iisang tagapag mana ng kompanya na dapat ay sa'yo, Kuya." nakangising sabi ni Genesis sa kapatid nya at hinigpitan ni Gab ang kamay nya dahil itinatago nito ang inis sa sinabi ng kapatid nya.
-
Add me: AmmaSoldierWP
Follow me: (Insta) ammasoldier
THANK YOU, SOLDIERS!
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomansaMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...