Author's note
More push pa at mag babakasyon na, it means masusundan ko na 'to at ang pangalawang story ay kay...secret.
-
Sa kabilang dako, nag lilinis ang nasa mahigit labing-limang maids sa Mansion ng mga Marticia. Sa pasilyo ay makikita kaliwa't kanan ang nag lalakihang paintings na galing pa sa ibang bansa na di hihigit sa daang libo ang halaga ng mga ito, Sa pinakahulihan ng pasilyo ay makikita ang isang painting ng babae at kapag tinitigan ito ay malalaman mong 'yon ay si Agatha Marticia ang asawa ni Deogratius Marticia na isang business tycoon. Pagkabukas ng pinto sa dulo ng pasilyo ay bubungad sa gitna ang grand staircase patungo sa ikalawang palapag ng Mansion ng Marticia sa kanan nito ay matatagpuan ang limang kwarto para sa limang anak na lalaki ng mag asawa at sa kaliwa naman ay ang kwarto ng mag asawa.
"Ay! ang kulit mo talagang bata ka! cute cute pa! buti nalang ikaw hindi tumataba Jeremiah kahit kain ng kain, ang gwapo gwapo pa nakuu!" sabi ng isang maid kay Jeremiah habang palakad-lakad ito at may hawak na chocolate sa kaliwang kamay, may tira tira pang chocolate ito sa kaniyang bibig pero wala itong pakialam at saka sumubo naman ng isang cookies sa kanan nitong kamay.
"Jeremiah Raven Marticia!" wala pa ding tigil sa pagkain si Jeremiah at tuloy tuloy lang ito habang humahangos papalapit sa kanya ang kanyang nanay na si Agatha.
"Wala ka ng ginawa kundi kumain, Son you're already a second year high school student. Tinalo ka pa ni Isaiah na first year high school lang pero matured na kung kumilos." sabi ni Agatha habang ginugulo ang buhok ng kanyang anak.
"Mom, hindi naman ako tumataba kahit anong kain ko at 'wag nyo po akong itulad kay Isaiah dahil kahit sya po yung bunso ang sungit sungit naman po nya." sabi nito habang nakanguso.
"Good morning." napalingon ang mag ina sa seryosong tinig na nanggaling kay Isaiah habang nag lalakad ito pababa ng hagdan.
Sabado ng umaga kaya andoon ang tatlong magkakapatid habang ang Ama naman nila ay maagang umalis para asikasuhin ang mga papeles sa kanyang opisina, tuwing linggo ay nag sasama-sama ang buong mag anak dahil ayaw ng mag asawa na mawalan sila ng oras para sakanilang anak kahit maraming maids ang pwedeng mag bantay sa mga ito mas gusto parin nila na sarili nila mismo ang mag babantay dito at hindi lagi dedepende sa mga maids lamang.
"Good morning, how was your sleep Son?" tanong ni Agatha sakanyang anak habang patungo ito sa kusina para mag almusal.
"fine." ganting sagot ng kanyang anak at may tipid na ngiti sa mukha nito habang kumakain ng inihandang pagkain ng maid kanina lang.
"See? Mom! ang sungit sungit nya! pero hindi ko alam kung bakit marami paring mga babae ang nagkakagusto dyan kay Isaiah!" hindi makapaniwalang sabi ni Jeremiah habang itinuturo ang kapatid nya na kumakain at tila walang naririnig na nagsasalita.
"Bakit, sa'yo ba walang nag kakagusto na girls?" nagtatakang tanong ni Agatha kay Jeremiah habang nag pupunas ito ng kamay at bibig dahil sa kinain nitong chocolate.
"Ako pa ba Mom? maraming baliw na babae saakin sa school pero wala akong panahon sa love Mom." sabi nito na parang nag transform sa pagiging matured na binata na kanina lang ay parang bata.
Sanay na sanay na ang mga tao sa mansion sa ugali ng mag kakapatid lalong lalo na ang mag asawang Marticia. si Isaiah ang bunso sa limang mag kakapatid mula maliit palang 'to ay tahimik lang at tipid lang kung mag salita pero naiintidihan ito ni Agatha dahil likas na mahiyain ito at hindi showy sa kanyang nararamdaman pero kapag sila lang ang tao sa bahay ay malambing ito. Si Jeremiah naman ang pang apat sa limang magkakapatid ang pinaka isip bata sa mga magkakapatid puro kain lang ang inaatupag nito pero kadalasan ay nalalamog ang pisngi nito dahil sa kacutan nito, pinanggigigilan ng mga maids at ni Agatha ang pisngi ng anak pero wala lang 'yon kay Jeremiah.
"Where's Raziel?" tanong ni Agatha sa dalawa nyang anak.
"Sleeping." sagot ni Isaiah sa kanyang ina at umalis si Agatha at pumanik sa hagdan para puntahan ang kanyang anak sa kwarto. Kumatok si Agatha sa pinto ng natutulog nyang anak pero walang sumasagot kaya laking pasasalamat nya ng hindi naka lock ang pinto at pag bukas nya ay tumambad sakanya ang anak nya na walang suot na damit kundi boxer lang habang sarap na sarap na natutulog.
"Raziel." sabi ni Agatha habang ginigising ang kanyang anak.
"Hmm?" tinatamad na sabi nito at nananatiling nakapikit parin ang mga mata.
"Gising na at mag almusal kana." sabi ni Agatha habang nakahalukipkip sa harap ng kaniyang anak.
"Later." sabi ni Raziel at saka nag salita si Agatha.
"RAZIEL ZACHARY MARTICIA." seryosong sabi ni Agatha at saka agad agad tumayo si Raziel at sumaludo sakanyang nanay.
"Yes Ma'am! Good Morning." sabi ni Raziel sakanyang ina habang nakasaludo at saka humalakhak at kinissan ang kanyang ina sa pisngi.
"Good morning Ma, ligo muna ako." nakangiting sabi nito at napapailing na nakangiti si Agatha at saka lumabas ng kwarto.
Si Raziel ang pangatlo sa limang magkakapatid, ang pinaka masayahin at malambing sa lahat ang kabaliktaran ni Isaiah, Okay na sana ito pero may isang problema lang dito...
Ang pagiging Playboy.
-
Pagkatapos maligo ni Raziel ay agad-agad syang dumiretso sa sala nakaupo doon sina Isaiah at Jeremiah habang nasa gitna naman ang kanilang Ina na si Agatha
"Where's Kuya Samael, Mom?" tanong ni Isaiah sakanyang Ina na nakakuha ng atensyon sa dalawang mag kapatid.
"Nasa Japan ang Kuya Samael nyo 'yon ang sabi nya saakin." sabi ni Agatha at napabuntong hininga.
"Nakuha pa palang mag sabi sa'yo ni Kuya 'no?" sarkastikong sabi ni Raziel sakanyang Ina.
"RAZIEL!" saway ni Agatha sakanyang anak at napaiwas lang ito ng tingin.
"Tandaan nyo kahit ganoon si Kuya Samael nyo ay sya parin ang nakakatanda sainyo dahil sya ang panganay." pangaral ni Agatha sakanyang mga anak.
"How about Kuya Genesis po?" nagtatakang tanong ni Jeremiah kay Agatha, alam nito ang nangyari kay Genesis at laking pasasalamat ni Agatha sakanyang mga anak dahil maunawain ang mga ito.
"Kailan po sya babalik ulit saatin?" dagdag na tanong ni Jeremiah.
"Soon." nakangiting sabi ni Agatha sakanyang mga anak.
-
for more updates/if you want to chat me:
Add me: www.facebook.com/AmmaSoldierWP
Follow me: Instagram.com/user/ammasoldier (for characters' pics/Public)
THANK YOU, SOLDIERS!
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomanceMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...