Chapter 21

27 1 0
                                    

Author's Note

This chapter is a flashback.

-

"Ay jusko kang bata ka! Saan ka nanaman ba nanggaling at puro pasa ka?" sabi ni Yaya Trining, ang pinaka matagal ng naninilbihan sa mga Marticia. Kung ituring ng Pamilyang Marticia si Yaya Trining ay hindi isang Yaya kundi isang miyembro na din ng pamilya, Pero gusto ni Yaya Trining na manilbihan parin sakanila kahit sinasabi ni Agatha na sila na ang magsusustento sa pangangailangan ni Trining na may katandaan na ang edad ngunit dalaga at walang anak, mababakas parin dito ang kagandahan noong pag kabata at bata itong tignan kaysa sa edad nya.

"'Wag mong sabihin kay Mom 'tong mga pasa ko." sabi ni Samael sakanyang Yaya Trining.

"Don't tell what?" saktong pagbaba naman ni Agatha sa hagdan para itanong sana kay Yaya Trining kung nasaan na ang anak nyang si Samael.

"Matino bang uwi 'yan ng isang Second year High School student for Pete's sake Samael, at anong nangyari dyan sa mukha mo? Nakipag away ka nanaman ba?" tanong ni Agatha sakanyang anak.

"You already know the answer, matutulog na 'ko." sabi ni Samael sakanyang Ina at saka pabagsak na napaupo sa sofa si Agatha at napamasahe ng sentido, hindi nya alam kung anong maling pagpapalaki ang nagawa nila kay Samael dahil lumaki itong nag bubulakbol at nag rerebelde.

-

"Ewan ko ba dyan kay Sir Samael, 'wag kang maingay pero sa tingin ko kahihiyan sya sa pamilyang Marticia, tignan mo bata palang puro pasakit at problema na ang dinadala sa pamilya, buti nalang yung ibang magkakapatid hindi natulad sakanya." sabi nung isang yaya habang naglilinis sa hagdan.

"Tama ka dyan, sa totoo lang black sheep kung maituturing sa pamilya 'tong si Sir Samael eh." pabulong na sabi ng isa pang maid habang nag lalampaso sa sahig hindi malayo sa pinag lilinisan na hagdan ng kausap nyang isa pang maid.

"Mind your own business, Alam nyo 'yon?" Nagulat ang dalawang maids sa sinabi ni Samael dahil naririnig pala sila nito.

"S-sorry po sir, hindi na po mauulit." sabi ng dalawang maids kay Samael habang nakayuko.

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon