Flashback
"Tao po." sabi nya habang kumakatok sa pinto, ala cinco ng umaga at madilim-dilim pa, huni ng mga ibon at tilaok palang ng mga manok ang maririnig pati ang tunog ng mga pumapasadang tricycle sa lugar nila Ella.
Pupungas-pungas na bumangon ang mag asawa para tignan kung sino ang kumakatok ng ganoon kaaga.
Tinignan niya ang kanyang sapatos wala kang makikita ni alikabok at dumi sa sapatos nito na animo'y pinaghandaan talaga, malinis na malinis ang uniform nito, halatang plantsado at ni mantsa ay wala kang mababakas, umaalingasaw naman ang nagmamalaking pabango niya na kulang nalang ay halos ipaligo na pero hindi naman ito nakakaritang amoyin bagkus ay nakakaadik pa ang amoy ng pabango nito, kung titignan naman ang ayos niya, halatang nag gel pa ito yun nga lang, pang Nerd parin ang ayos.
Eksaktong bumukas ang pinto sa bahay ng mag asawang Trinidad napaayos ng tindig si Nerd at agad na binati ang mag asawa.
"Magandang umaga po." Nakangiting bati ni Nerd habang may dala-dalang groceries sa mag kabilang kamay na parang pinaghandaan talaga ang pag
bisita."Magandang umaga din hijo, anong kailangan mo dito?." tanong ng Tatay ni Ella.
"Ako po yung kaklase ni Ella." sabi ni Nerd at parang biglang natauhan ang Nanay ni Ella at naging familiar ang taong nasa harap nya.
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomanceMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...