Agad akong bumalik ng classroom at nagdasal na sana hindi pa 'ko late, pagkapasok ko eksakto wala pang teacher, pumunta ko sa upuan ko at tinignan ang katabi ko pero wala pa sya at maya maya may pumasok, si Nerd. Napansin kong bumalik sa dati yung hati ng buhok nya, napaisip ako sa sarili ko ano bang ginagawa nya? naguguluhan ako at parang isang malaking tanong ang buong pagkatao nya sakin, pinagmasdan ko sya habang naglalakad ayan nanaman sya umaaktong nerd na nerd pero nung nakausap ko sya daig nya pa pinaka loko dito sa klase, nang umupo sya tinignan nya ko at inirapan ko lang sya, huh! kala mo kung sino ka!
Sakto dumating na si Sir, ESP ang subject namin ngayon buti nalang. Agad kaming tumayo para batiin si Sir at pinaupo nya kami.
"So now, I'll announce your first project for the first quarter. Para maaga at hindi kayo magahol sa oras, ang katabi nyo ay magiging partner nyo sa subject ko for the whole year kayo na ang bahalang mag adjust at magpakilala sa magiging partner nyo. Gagawa kayo ng isang video kung saan kayong dalawang magka-partner ang bida, dapat may moral lesson na makukuha dito. Hanggang 2 minutes ang video na ito pero kayo ang bahala kung sosobra basta 'wag lang magkukulang. Bibigyan ko kayo ng 2 weeks para gawin 'to."
w-whole year?!
Parang nag akyatan lahat ng dugo ko sa ulo ng marinig yung sinabi ni Sir at tinignan ko yung katabi ko na parang wala lang sakanya, at lumingon sya sakin at nagsalita.
"Kailan tayo gagawa?"
"T-teka may naisip ka na ba kung anong klaseng movie gagawin natin?
"Ano ba gusto mo? Adult?" sabi nya at agad agad kong tinakpan bibig nya, buti nalang walang nakarinig!
"Naka shabu kaba? Pano kung may nakarinig non? Adik! Malala kana!" sabi ko ng pabulong sakanya pero may inis sa tono.
"Eh tinanong mo opinyon ko eh, I'm fine with anything." sabi nya ng nakapangalumbaba. Pero agad syang nagsalita.
"May naisip na 'ko, Ganto nalang yung plot na gagawin natin halimbawa may mag asawang business man at woman tapos may anak silang nagrebelde dahil ayaw nung anak nila maging tagapagmana ng business nila kaya umalis yung anak nila sakanila." sabi nya habang malayo ang tingin at seryoso.
"Ah sige, kailan tayo gagawa at saan?" naisip kong hindi pwede samin dahil hindi babagay ang bahay namin para sa plot na naisip nya pero pwede din na kunwari sa ganong bahay sya tumira nung naglayas sya pero ipapakita muna yung bahay nila para sa first scene. Sinabi ko yung Idea ko at umo-o naman sya at napagkasunduan na namin yung gagawin namin na magsisimula bukas pag uwi namin dito sa school.
Lumipas ang isang araw, at kinabukasan naging normal naman ang naging takbo ng klase namin at wala namang espesyal na nangyari, nagpaalam na 'ko kay nanay sa text na baka gabihin ako ng uwi dahil gagawa kami ng project at it-text ko nalang sila kung pauwi na 'ko. Naglalakad kami ni Nerd ngayon papunta sa bahay nila, pwede na daw lakadin dahil hindi naman daw kalayuan at humimnto kami sa Isang bahay na masasabing may kaya ang nakatira at pumasok kami.
"Maupo ka muna dyan sa may sala Ella, magpapalit muna ko ng damit." sabi nya at saktong lumabas ang isang babae na hindi pa katandaan baka nanay sya ni Nerd.
"Hello, Anong gusto mong kainin?" magiliw nyang sabi sakin at umiling ako at saka ngumiti.
"Hindi na po ma'am." pero nakita kong dumiretso sya sa kusina at nag timpla ng Iced tea at naghanda ng cookies at pumunta dito para ihain.
"Salamat po ma'am at nag abala pa po kayo."
"Ah Hija, just call me Tita, Anong pangalan mo?"
"Micaella Adelaine Trinidad po, kaklase po ako ni N-- Viel t-tita." agad kong pinagalitan ang sarili ko ng muntikan ko ng masabi ang salitang Nerd nako Ella!
"Ah kala ko girlfriend, pero sabagay baka doon din ang punta nyo hija" nagulat ako sa sinabi ng nanay ni Viel at agad akong pinamulahan.
"Mukhang malabo pong mangyari 'yon tita." sagot ko ng nakangiti pero sa loob loob ko nag ngingit-ngit ako at nag e-echo ang halakhak ni Nerd sa tenga ko. At tiyempong lumabas si Nerd galing sa kwarto nya, nakapang alis si Nerd pero casual lang ang datingan, mukha pa ding nerd.
"Mag bihis na kayo nay, may nakahanda ng dress dyan kinwento ko na po yung dapat nyong gawin kagabi, Ikaw mag video Ella dahil wala pa yung scene mo itong scene palang yung aalis ako dito sa bahay." inabot nya sa'kin ang video cam pero may gusto kong itanong sakanya kaya nagsalita ko habang umalis yung nanay nya para magbihis.
"T-teka, anong role ko?" diba! posible namang maging tatay ako at magbihis lalaki dahil kailangan bida daw ang dalawang magka partner.
"Akala ko ba matalino ka? Simple lang, Ikaw ang makakatuluyan ko." sabi nya saka ngumisi at humalakhak.
-
For more updates / If you want to chat me:
Facebook: Ammasoldier WP
Thank you Soldiers!
̿'̿'\̵͇̿̿\з=( ͠° ͟ʖ ͡°)=ε/̵͇̿̿/'̿̿ ̿ ̿ ̿ ̿ ̿
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomanceMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...