Chapter 18

23 1 4
                                    


This chapter is dedicated to Habiba! hi friend! salamat sa pag babasa haha! Saaking kapatid na elementary palang (Yes po) Psst! ito na nag update na 'ko Hi Chengnat! Gulat ka 'no? Haha!

Tagal kong 'di nakapag-update! mygoodness! eh kasi po dahil sa projects at K-DRAMA na pinapanuod ko hahahaha!

PS: Malapit na ang pinaka climax woo! ihanda ang tissue! masanay na kayo na walang POV na nakalagay, alam nyo na 'yon! Para may thrill 'di ba?

PPS: Busy po talaga ako ngayon at mag a-update ako bago kami pumuntang airport mamaya.

-

Normal na araw para sa'kin, napangiti ako ng maalala ko yung nangyari nung nakaraang linggo.


"Heh! ilang minuto nalang mag uuwian na!" sabi ko at saka umiwas ng tingin pag katapos nyang sabihin sa'kin yung mga banat nyang hindi ko alam kung saan nya nakukuha.


"Okay ka na ba?" tanong nya sa'kin at sinipat nya yung leeg at noo ko.


"Medyo mainit-init ka pa ah?" nag aalalang sabi nito saakin at binigyan ko lang sya ng isang tipid na ngiti.


"Ayos na ko, buti nalang mabisa yung binigay ni Nurse na gamot at salamat sa binigay mong lugaw." sabi ko habang nakangiti.


"Kayo dyan, Nag bell na. Mr. Cruz pwede mo ng ihatid si Ms. Trinidad sakanila at pag pahingahin muna." napalingon kaming dalawa ni Nerd sa nag salita at nakita namin nakabalik na pala si Nurse. Agad agad akong tumayo at napa-sapo ako sa noo ko.


"Uy! dahan dahan lang kulit kasi eh!" sabi saakin ni Nerd habang inaalalayan akong tumayo.


"Sorry, okay na 'ko." sabi ko kay Nerd pero inalalayan parin ako nito at lumabas kami sa clinic.


"Sumabay kana sa'kin pag uwi ko, dala ko kotse ko ngayon." sabi ni Nerd sa'kin na syang kinailing ko.


"A-ah, Okay na talaga ako kaya ko na." sabi ko habang papunta kami sa room para kuhanin ang bag namin, halos kami nalang ang tao sa pasilyo na dinadaanan namin dahil halos lahat ng estudyante ay nakalabas na, pero hindi ito kumibo at parang hindi narinig ang sinabi ko.


"Mag hintay kana lang dito sa may hagdan baka mabinat ka pa umupo ka muna dyan kukuhanin ko bag natin." sabi nito na syang sinang ayunan ko at umupo ako sa baitang ng hagdan habang hinihintay sya na makuha yung bag namin.

Lumipas ang ilang minuto lang at dali dali itong bumaba ng hagdan.


"Sorry sa paghihintay, ako na mag bubuhat nitong bag." sabi nito saakin ng nakangiti at saka hinawakan ako sa kamay para hilahin habang dahan dahan syang nag lalakad.


"Grabe! kahit may sakit ako kahit dahan dahan nanghihila ka parin haha!" sabi ko sakanya habang papalabas kami ng school.


"Buti nalang may sakit ka dahil pipitikin kita ulit sa noo." sabi nito saakin habang nasa likod ako nito na naglalakad at saka humarap ito at ginulo yung buhok ko.

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon