Pagkatapos non ay 'di ako makatulog kakaisip, laking pasasalamat ko ng hindi nakita ni Nanay yung ginawa ni Nerd saakin kundi baka bigyan pa nila ng ibang kahulugan 'yon dahil malamang pinag t-tripan lang naman ako ni Nerd. Ano bang gustong mangyari ni Nerd? Hindi ko na alam ang totoo sa biro lang, ayokong umasa. Pumasok bigla sa isip ko yung mukha ni nerd nung wala syang salamin at braces, Isang tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit? Bakit nya ginagawa 'to? Ganon lang ba talaga style nya o may dahilan pang iba? Sa totoo lang kung tatanggalin nya 'yon at aayusin nya yung style nya talagang pag kakaguluhan sya sa school.
Salamat Nerd sa pang-gugulo ng isip ko.
Sino bang hindi maguguluhan sa inaakto nya? Para kang isang malaking tanong na hindi ko masagot sagot Nerd.
Lumipas ang ilang linggo pa at normal naman ang naging takbo ng buhay ko sa nakalipas na mga linggo, Dahil napakabilis ng oras at takbo ng araw hindi ko namalayan na 2nd Grading na. Buti nalang hindi mahihirap yung mga project na binigay sa'min nung 1st Grading at puro individual maliban doon sa pag gawa ng video. Andito ako ngayon sa classroom at naghihintay ng teacher tinignan ko yung katabi kong upuan at wala pa si Nerd, pagkatapos nya lagnatin pumasok na sya at pinaliwanag kay ma'am kung anong dahilan kung bakit hindi sya pumasok, pero hindi ko alam kung bakit wala pa sya ngayon. Baka nalate lang.
"Ok class, Good morning." pumasok si maam at binati din namin. Pero nananatiling nakatayo si ma'am, baka may i-aannounce.
"Class, he'll be your last new classmate and last transferee here in our class dahil puno na tayo kung may iba pang mag t-transfer na 4th yr sa ibang section na. Nalagay sya dito sa 4-A dahil naperfect nya ang entrance exam, Mr. Villaverde please proceed here in front."
"Ayoko na umasa hmp."
"Sus baka mukhang ano nanaman yan like duh!"
"Please naman tama na mygoodness allergic ako sa hindi gwapo."
Hindi ko ata nabalitaan ang pag t-transfer ng isang 'to, at pumasok si Transferee at nagpakilala. Buti nalang at huli na 'tong isang 'to.
"Hi, I'm Gabriel Ruiz Villaverde. It's nice to meet you all." sabay ngiti nito na nag resulta ng hiyawan at sigawan.
"Sheeeeet! Ang gwapo! Thank you Lord!"
"Yung puso ko! Yung puso ko!"
"Ipin palang pang close up commercial na!"
"Ang sarap halikan ng lips, eng sherep!"
Pinatahimik ko sila at naging bulong-bulungan nalang yung mga naririnig ko, Gwapo nga pero O.A sila mag react, Sus hindi ko maitatangging gwapo ang isang 'to pero hindi na kailangan mag react ng ganon.
"Saan mo gusto maupo Mr. Villaverde?"
"Doon nalang po sa likod ma'am" sabay ngiti nito at hindi ko alam kung ako ba nginingitian o yung lalagyan ng mga libro na nasa likod ka, nababaliw ka nanaman Ella! at bakit nya dito gustong umupo aber?
"Ma'am may nakaupo po dito sa tabi ko absent lang po." sabi ko.
"Absent? Ah si Mr. Cruz! Diyaan muna sya pansamantala ayusin nalang natin pag pumasok na sya." umupo sya sa tabi ko at nag simula na ang lesson nagulat ako ng inilahad nya ang kamay nya, para mag pakilala at tinanggap ko naman 'yon.
"A-ako naman si Micaella Adelaine Trinidad, Ella nalang for short." sabi ko at ngumiti dahil awkward. Nagpatuloy ang lesson at lunch na.
"Na-tour ka na ba dito sa school?" tanong ko at umiling ito, kaya tinour ko sya. Naging mabilis lang ang pag t-tour ko para hindi kami gahulin sa oras at makakain pa.
"Pwedeng tabi tayo dito sa table?" sabi nito.
"A-ah sige, kung okay lang sakanila." at pasimple kong tinignan yung mga babaeng kanina pa nakatingin saamin at yung iba ay nakairap.
"Pabayaan mo sila, Ikaw lang naman kasi ka-close ko dito." sabi nito at saka tumawa.
"Ano nga pala gusto mong kainin?"
"H-huh? hindi sige ako nalang."
"No, I insist pasasalamat sa pag t-tour." Nakakahiya naman kaso nag pupumilit 'tong isang 'to hays.
"A-ah ano nalang longganisa isang rice lang tas tubig." Umalis ito ng table para bumili ng pagkain namin.
Habang kumakain tawa kami ng tawa, mabait naman pala 'tong si Gab at hindi mahirap pakisamahan, tawa ko ng tawa sa mga jokes nya na corny pero mas natatawa ko sa mukha nya habang dinedeliver yung lines ng mga jokes nya.
"Haha, Salamat sa mga jokes mo Gab grabe ibang klase ka." sabi ko habang tawa parin ng tawa habang naglalakad kami papuntang room. Wala na ngang halos tao dahil siguro nagmamadali sila. Nag paalam si Gab na mag C-CR lang daw muna at mauna na daw ako sa classroom. Baka sumakit ang tiyan kakatawa.
"Nawala lang ako ng kalahating araw, may ka-close ka ng ibang lalaki? dapat ko bang ipakita sa kanya kung gaano tayo ka close?"
Napalingon ako sa nag salita.
"N-nerd?"
At lumabas bigla si Gab sa C.R, at kinuha ni Nerd ang kamay ko at hinila ko papasok ng Room pero bago nya ko hinila nag salita si Nerd.
"Wag ako." seryosong sabi nito at saka ngumisi.
-
for more updates:
Add my facebook account: AmmaSoldierWP
THANK YOU, SOLDIERS!
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomanceMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...