Chapter 8

27 0 0
                                    


Agad kong pinaghiwalay ang labi namin sa isa't isa at nanginginig na tumayo.


"Umalis ka na." madiin kong sabi habang itinuro ang pinto namin.


"Alam mo, hindi ko alam kung ba't ka ganyan eh for your information wala akong balak sakyan ang mga trip mo Nerd, maghanap ka ng ibang mapag t-tripan may nagawa ba ako sa'yo kaya mo 'ko ginaganto? Anong nagawa ko para pag tripan mo 'ko ng ganito? ninakaw mo pa yung first kiss ko alam mo ba 'yon? Nakakainis lang." sabi ko na parang naglalabas ng sama ng loob sa kausap ko, tumayo sya at pumunta sa pinto pero bago umalis nagsalita sya.


"Ganito lang naman ako sa taong gusto ko." seryosong sabi nya at umalis.


Napaupo ako sa sofa namin dahil hindi pa nag sisink-in sa utak ko yung sinabi nya. Bakit ako? Anong meron sa'kin at ako ang natripan nya? huh! palusot nya palibasa mahilig lang syang mang-trip at baka pinag t-tripan lang nya 'ko sa sinabi nya para magulo yung isip ko, Tama! 'yon nga! Napabuntong-hininga ako dahil nag e-echo parin sa'kin yung sinabi nya.


Lumipas ang Isang buwan at sa dalawang linggo non hindi pumapasok si Nerd, nagtataka din ang mga kaklase ko dahil walang paalam itong nag absent at nawala nalang ng parang bula.


"Kinausap kita dahil nag-aalala na 'ko since ikaw yung president Ms. Trinidad, alam mo bahay ni Mr. Cruz hindi ba't doon kayo gumawa ng video sabi ni Sir Dela Cruz?  please pakipuntahan sya sa bahay nya para malaman kung anong nangyari doon sa classmate mo, is it okay with you?" andito ako sa faculty at kinakausap ako ng adviser namin. Nakakahiyang tumanggi dahil ako yung president at responsibilidad ko 'to.


"O-opo."


Uwian na at sumakay ako ng jeep papunta sakanila, limang minuto lang at nakarating na 'ko sakanila buti nalang at natatandaan ko pa bahay nila dahil hindi naman 'to mahirap hanapin. Huminga ako ng malalim at pinindot ang door bell.  Nakailang pindot na 'ko pero wala pa ding nagbubukas ng gate pero ng tinulak ko 'to bukas naman pala.


"Tao po, Viel andyan ka ba? Tita?" Binuksan ko ang pintuan ng bahay nila pero walang tao, papasok ba ako o hindi? baka mapagkamalan pa 'kong magnanakaw. Aalis na sana 'ko ng may narinig akong umuubo malapit sa kwarto na nasa kaliwa ko. Kinatok ko ito at may sumagot.


"P-pasok." binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko. Humangos ako papalapit sakanya at kinapa ang noo nya.


"N-Nerd ang taas ng lagnat mo." pero nagulat ako sa itsura nya.


He's damn handsome no braces, no glasses, and messy bed hair...


"E-ella n-nilalamig ako." dali dali akong lumabas at nagpainit ng tubig ng natantiya kong maligamgam na ito kumuha ako ng plastic basin buti nalang hindi mahirap hanapin, at kumuha 'ko ng bimpo. Pumunta ko sa kwarto nya at nakita kong nanginginig sya sa lamig. Walang alinlangan kong tinanggal ang kumot na nakapulupot sa katawan nya at napalunok ako ng makita kong nakapolo sya, ah basta kailangan kong tanggalin 'yon para mapunasan ko sya.


Dahan-dahan kong tinanggal ang butones sa polo nya at napalunok ako sa nakita ko. 


Bwiset na abs yan.


Inilublob ko yung bimpo sa maligamgam na tubig at pinanunasan ko ng dahan dahan yung leeg nya pababa sa abs ay este tiyan nya at pati braso nya. 


"Nerd, nasan nakalagay yung damit mo?" umungol lang sya at tinuro ang drawer na nasa harap ng kama nya, lumapit ako dito at binuksan ko yung unang drawer at agad kong sinara 'to. 


Maling drawer.


Binuksan ko yung pangalawa at sa wakas ay nakakita ako ng sando, kinuha ko 'yon at binihisan sya. Naghanap ako ng soup sa kusina at buti nalang ay may nahanap ako na instant noodles, kinontian ko lang yung paglagay ng seasoning at tinanggal ko yung noodles. at saka ko humanap ng gamot sa medicine kit nila at salamat naman at may nakita 'ko.


"Nerd sorry eto lang yung nakita ko."


"Hmm." dahan dahan syang dumilat at inalalayan ko sya para umupo at nilagay ko yung unan para sandalan nya.


"Humigop ka muna." pero napansin kong nanghihina sya.


"Ahh." pinanganga ko sya para subuan ko sya at hindi naman ito tumanggi. Nang matapos syang kumain, pinainom ko sya ng gamot at chineck yung temperature nya. Ang taas parin, Kaya pinahiga ko sya para magpahinga. Nakaupo ako sa tabi nya at nakasandal sa headboard ng kama nya.


"Nasan cellphone mo? tatawagan ko si Tita para sya na mag bantay sa'yo." tatayo na sana 'ko ng dahan dahan syang bumangon at napasandal yung ulo nya sa leeg ko at saka sya nagsalita.


"D-dito ka muna." ramdam ko ang mainit na hininga nya sa leeg ko at mas nagulat ako sa sumunod na sinabi nya.


"A-ano bang meron sa'yo at binaliw mo 'ko ng ganito?"


-

for more updates

Add my facebook account: AmmaSoldier WP

THANK YOU SOLDIERS! (¬‿¬)














Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon