Chapter 27

34 1 2
                                    

Author's note

Daming gawa mygoodness! super busy kami ngayon sa school pasensya na ho sa napakatagal na update, jemjemjem! 'to na oh! hahaha yung math ah?

-

Lumipas ang isang linggo at sumapit ang araw ng kanilang fieldtrip, hindi magkanda ugaga ang mga estudyante sa saya at pag bulatlat ng kanilang bag para hanapin kung may naiwan pa bang gamit.

Kanina pa pabalik balik ng lakad si Nerd sa room habang panay tingin nito sa cellphone nya, para itong balisa at may hinihintay na kung ano man, kanina pa ito napapansin ng mga kaklase nya at yung iba ay pinag tatawanan lang sya dahil sa mga paningin nito ay mukhang tanga si Nerd kakapabalik balik ng lakad.


"Tsk!" naiinis na sabi ni Nerd at bumalik ito ulit sa upuan.


Pupunta kaya siya?


Ang tatlong salita na bumabagabag sa isip nya habang tinitignan nya ang oras sakanyang relo, nakailang text sya dito pero hindi ito nag rereply sa text nya, miski tawag ay ginawa nya na rin pero baliwala lang ito dahil wala ding sumasagot sa cellphone.


I'm an angel with a shotgun~



Agad na napatayo si Nerd ng marinig na may nag text sa cellphone nya at agad agad nyang tinignan kung sino 'yon.


From: UmbrELLA 

'Di ako makakapunta nerd, sakit ng puson ko, pupunta nalang ako mamaya pagka alis nyo para tumulong sa office.


Agad na napatayo si Nerd sa inis at alala. Inis dahil gusto nyang kasama ang nililigawan, at alala dahil sa nararamdamang sakit nito.


To: UmbrELLA

Okay ka lang? 


Imbes na tanungin nya ito at pilitin pumunta, tinanong nya ito kung ayos lang ba ang nararamdaman nito eksaktong dumating ang adviser nila para sabihing pumila na, sinabi nya dito na susunod nalang sila, mag sasalita pa lamang ang adviser ng dali dali siyang kumaripas ng takbo pababa para pumunta ng parking lot para pumunta sa bahay nila Ella. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sakanya dahil halos lahat ay nakapila na pero sya ay aalis naman. Agad na pinaharurot nya ng takbo ang sasakyan papunta sa bahay nila Ella.


Nang makarating sa bahay ni Ella agad agad syang kumatok dito.


"Ella! si Viel 'to!" sigaw na sabi nya para marinig sya nito. 


"Ohhh? bakit? Pasok ka 'di yan naka lock" agad na nanlaki ang mata ni Nerd ng marinig ang boses ni Ella, pero hindi 'yon ang dahilan. Halatang parang nanghihina ang boses nito kahit pasigaw nya iyong sinabi. 


Agad agad nyang binuksan ang pinto at agad agad na pumanik papuntang itaas para tignan kung kaya pa ba ni Ella. 


"Ella!" pasigaw na tawag nya ng nakitang nakayuko ito habang nakaupo at natatakluban ng buhok ang mukha nito. Agad nya itong pinuntahan at inangat ang ulo, at saka sya napaupo ng nakita nya kung anong ginagawa nito. 


"Ano ba? nag sisipilyo pa 'ko Nerd." antok na antok na sabi nito habang tinatapos ang pag sisipilyo at nag punta ng banyo para mag mumog at mag hilamos.


"Aish! nag alala ko sa'yo!" sabi ni Nerd na halatang nag alala talaga.


"Huh? Bakit?" nag tatakang tanong ni Ella habang kinukusot ang mata.


"Sabi mo masakit puson mo? tch." sabi ni Nerd kay Ella na siyang kinagulat ni Ella.


"Aba aba aba! ang sungit ata ni Nerd ngayon ah! ikaw ata ang meron 'no?" nanunuksong sabi ni Ella kay Nerd.


"Nag-alala ako sa'yo tapos iinisin mo lang ako? tss." sabi ni Nerd.


"Sorry na nga! hehe, 'di masakit puson ko, tinatamad lang ako. Umalis kasi sila Nanay at Tatay may reunion daw sila ng mga batchmates nila." sabi ni Ella.


Nagulat at sa loob loob ni Nerd ay natuwa sya dahil hindi sinabi ng Nanay ni Ella na kaya sila umalis dahil siya ang may kagagawan, dahil nga nag offer siyang ipa-book muna sakanilang hotel ang mag asawa, na sa huli dahil sa kakapilit nya ay pumayag din ang mga ito.


"Nerd, alis ka muna ligo lang ako." sabi ni Ella habang nag hahanda ito ng damit.


"Ayaw." sabi ni Nerd at nanlaki ang mata ni Ella dahil sa sinagot nya.


"Hoy Nerd! Manyak na Nerd! layaaas!" nag mamadaling sabi ni Ella habang pinag bababato si Nerd ng unan at puro ilag naman ang ginagawa ni Nerd habang humahalakhak.


"Hahahaha, joke lang naman ito na aalis na, dalian mo ah!" sabi ni Nerd habang papaalis ng kwarto eksaktong pagpasok ng CR ni Ella, nakita nya ang damit na susuotin nito at yung bra ni Ella na nagpa-pula ng sobrang sakanya.


"Damn." sabi ni Nerd at napasandal sya ng pinto nung pagka sara nya nito.


Lumipas ang ilang minuto at natapos ng magpalit ng damit si Ella, nag hahanda para sa pag pasok ng school pero napakunot ang noo niya ng mapagtantong bakit kasama pa nya si Nerd dahil may fieldtrip, hindi kaya hindi na ito sumama?


"Neeeerd! hindi ka sumama sa fieldtrip?" sigaw nya habang pababa ng hagdan.



"Susunod nalang tayo." nagulat si Ella sa sinabi ni Nerd habang may kausap ito sa cellphone.



"Huh? Tayo?!" nag tataka at gulat na tanong ni Ella kay Nerd.


"Yes, as soon as possible, Yung first class." sabi ni Nerd sa kausap nito sa cellphone.



"Teka teka, tayo susunod sakanila?" tanong pa ulit ni Ella kay Nerd at eksaktong pagbaba nito ng cellphone nito ay nag salita ito.



"Yes, we'll go to Palawan...together." nakangising sagot ni Nerd kay Ella.


-

For more updates/infos:

Add me (FB): AmmaSoldier WP

Follow me (IG): ammasoldier

THANK YOU, SOLDIERS!




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon