Author's Note
Gusto kong umalis, wala namang mapuntahan haha, to tell you the truth ito pong mga chapters ng Just a Dream ay hindi po nakasave sa Microsoft Office Word, dito po ako direkta nagsusulat hindi pa po masyadong buo ang plot nito, kusa lang pong kumikilos ang daliri ko kada update at hindi ko po alam kung saan ang patutunguhan nito.
Basta Tiwala lang Soldiers, Nangako ako sa sarili ko na tatapusin ko 'to.
-
Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay iniwan nya 'ko. Napahawak ako sa dibdib ko at sa di malamang dahilan ay ang bilis ng tibok ng puso ko, Bakit ganito ang naramdaman ko? hindi ko alam kung bakit naging ganto ang reaksyon ng puso ko at parang hinahabol ako ng kung ano. Hindi ko alam kung bakit tumibok ang puso ko sa taong hindi ko pa naman lubusang kilala.
Hindi kilala...
Oo hindi kilala, dahil bukod sa pangalan nya, kung saan sya nakatira, at ang Nanay nya ay wala na 'kong alam tungkol sakanya na lalong nagpagulo saakin at ang sinasabi nyang naghahanap sya ng taong mapagkakatiwalaan sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang Nerd. Siya yung tipo ng tao na malapit sa'yo pero ang totoo, malayong-malayo.
Tumayo na 'ko at ipinagpag ang palda ko dahil sa inupuan ko nagmamadali akong bumaba at nakita kong naghihintay si Gab malapit sa hagdan na syang ikinagulat ko.
"Oh! Gab! Bakit ka nandito?" sabi ko sakanya at nginitian lang ako nito.
"Ah, bigla ka kasing nawala sa room 'kala ko mag s-stay ka doon kaya hinanap kita at naalala kong wala namang ibang mapupuntahan kundi dito lang dahil nakita ko 'to habang tinotour mo 'ko." nakita nya kaya si Nerd?
"Ako lang ba nakita mong andito?" tanong ko sakanya.
"Kadadating ko lang kasi dito, nakita ko yung kaninang nanghila sa'yo pumunta sa C.R magkasama ba kayo?" sabi nya pero mas pinili kong 'wag nalang sabihin na kasama ko si Nerd para walang issue.
"Ah, hindi." sagot ko sakanya.
"Tara na, malelate daw ng kaunti si ma'am." sabi nya.
"Buti naman! at baka mapagalitan tayo." laking pasasalamat ko ng male-late pa yung susunod na teacher namin, buti nalang dahil bukod sa baka malate kami, wala pa ako sa hustong wisyo para sa lesson dahil kanina.
Nakarating kami sa room at mabilis lumipas ang oras, inannounce lang ang pointers to review para sa paparating ng exam sa isang linggo at nag lesson lang sa mga sumunod na subjects at nagbigay din ng mga rereviewhin.
Buhay estudyante...
Kinilabit ako bigla ni Gab at napalingon ako sakanya. Oo sakanya dahil katabi ko parin sya, ang nangyari ay napagitnaan ako nila Nerd at Gab dito sa likod.
"Group study tayo Ella." sabi nya at naalala kong na perfect nito ang entrance exam nya, may benefits din akong makukuha kung papayag ako dahil matalino din sya at maibabahagi nya din saakin yung mga nalalaman nya.
"Sasama ako." sabi ni Nerd na nagsusulat sa notebook nya.
"Pasimpleng ano din pala yung ano natin ano?"
"Masyadong mapagpanggap, higad din pala."
"Kaya pala kanina pa 'ko nangangati."
Hindi ko alam kung ako ba yung pinapararinggan pero na sigurado kong ako nga yung pinariringgan ng makita ko yung iilan sa kaklase kong nakairap saakin.
"'Wag mo silang pansinin." sabi ni Nerd at nagplano kami kung saan kami mag g-group study.
"Sa bahay nalang namin." sabi ni Nerd at napalingon sakanya si Gab.
"Sa bahay nyo?" at napangisi bigla si Gab at hindi nalang ito pinansin ni Nerd. Kung titignan, medyo matured ng tignan si Gab kumpara kay Nerd at mas matangkad si Gab kay Nerd. Sabagay may lahi ata itong si Gab dahil sa sobrang puti.
Napagkasunduan namin na sa bahay nalang nila Nerd kami mag group study dahil mabait namn yung Nanay ni Nerd at sa weekend kami magsisimula. Uwian na at naglalakad ako papunta ng gate.
"Hatid na kita! Ella!" Napalingon ako sa sumigaw malapit sa may Parking Lot.
"Gab!" ngiti ko at kumaway ako at nilapitan nya 'ko.
"Hatid na kita, Ella" pumunta kami sa parking lot pero napansin ko yung gulong ng kotse nya.
"G-gab yung gulong ng kotse mo." seryoso kong sabi at itinuro ko yung gulong ng kotse nya.
"Damn." mariin nitong sabi at napapikit ito. Nagulat ako ng hinawakan nito ang kamay ko.
"Sorry ah? Ganito nalang gusto mo treat kita ng Ice cream? habang naglalakad tayo dyan bago sa sakayan?" agad na nagning-ning ang mga mata ko ng marinig ko yung salitang ice cream.
"Yung cookies and cream?" excited na sabi ko kay Gab.
"Yeah." sabi nito at saka ngumiti.
Hindi ko masisisi yung mga nag kaka-crush dito kay Gab dahil hindi mapagkakailang gwapo talaga ito. Pero nagulat ako ng dumaan si Nerd sa gitna namin at nag salita.
"Konting distansya naman dyan Classmate." sabi ni Nerd at nagulat ako ng hinila ako bigla ni Nerd at bago kami umalis ay nagsalita 'to.
"Akin 'tong kausap mo, Sya nga pala sa susunod bibigyan kita ng Ice cream. Yung Crema de Fruta ang flavor kung meron." sabi nito at ngumisi.
-
for more updates
Add my facebook account: Ammasoldier WP
THANK YOU, SOLDIERS!
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
Storie d'amoreMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...