Chapter 24

20 1 0
                                    

Konti nalang! Konti nalang makakain ko na yung pang walong donut ko! teka teka ba't tunatakbo yung donut!

Pasaway kang donut ka ah! lagot ka saakin! habol pa Ella ayan na abot kamay ko na, huli ka! at dahil makulit ka uubusin kita!

"Aray!" nagising ako bigla dahil nakagat ko yung dila ko nag a-adjust pa yung mata ko dahil sa sinag ng araw, napabalikwas ako ng may nangangatok.

"Ate! Ate! sundo mo nandito na!" agad akong napabalikwas ng bangon ng narinig ko yung boses ni Gideon.

"Huh? donut?" sabi ko habang napapapikit pa sa antok.

"Buksan mo kasi yung pinto muna! Ate, yung Nerd mong kaklase andito susunduin ka daw!" agad akong napatayo ng narinig ko yung sinabi ni Gideon, Nerd? iisang Nerd lang naman yung kilala ko, 'wag mong sabihing...

"Ate! Dalian mo maligo kana baka nakakalimutan mo may pasok kayo!" nanlaki yung mata ko ng nagising na yung diwa ko, ano bang nangyayari sa'yo Ella!

Pagkatapos kong maligo at mag bihis dali-dali kong kinuha yung bag ko at saka bumaba, nakita ko si Nerd na tumitingin ng album pero habang palapit ako ng palapit napagtanto kong pictures ko pala yung tinitignan nya nung bata pa 'ko.

"Oy Nerd anong ginagawa mo dito?" sabi ko at napaangat sya ng tingin.

"Good morning Ms. Pres." sabi nya saka ngumiti at nakita kong papalapit saamin si Nanay.

"Ba't ngayon ka lang nagising 'nak? nasa kalahating oras naghintay 'yang manliligaw mo." laglag panga kong tinignan si Nanay at nag salita.

"M-manliligaw?" nauutal kong tanong sakanilang dalawa habang palipat-lipat ko silang tinitignan.

"Nagpaalam na saamin yang si Viel kanina habang tulog ka." sabi saakin ni Nanay at saka inaya nya kami para mag almusal.

"Napag usapan na din namin kung anong gagawin ko sakanya pag sinaktan ka nya." agad kaming napabalikwas ng narinig ko yung boses ni tatay habang papunta saamin.

"Tay!" hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayong umaga! Ano kayang pinakain ni Nerd sakanila?

"B-bat nyo po sya pinayagan Nay? Tay?" agad namang napatingin saakin si Nerd habang nag sasandok ng kanin at nakita kong napalakas yung tusok nya sa hotdog, dinilaan ko lang sya at mukha namang effective ang pang iinis ko sakanya haha!

"Naramdaman naman kasi naming seryoso sya sa'yo 'nak at mabait na bata 'tong si Viel nung kinausap namin ng masinsinan kanina." sabi ni Nanay at hindi nalang ako kumibo at saka nagsimula ng kumain. Mabait?! Nay kung alam mo lang kung gaano ang hirap na dinaranas ng anak nyo dahil sa pamimitik sa noo na gawain na lagi ng Nerd na yan!

"At saka matapang na bata! pagkapuntang pagkapunta nya dito sinabi nya agad yung pakay nya hmm, pero 'wag kang papakampante hijo, dahil alam mo na ang mangyayari sa'yo, yung sinabi ko kanina kapag sinaktan mo ang anak ko." sabi ni tatay at napayuko ako sa hiya.

"T-tay naman, nakakahiya po." sabi ko habang pulang pula na ang mukha ko.

"Ikaw ate ah! Kaya pala humihingi ka saakin ng ad---" sabi ni Gideon habang bumababa ng hagdan para makisalo sa almusal at agad ko itong pinanlakihan ng mata para hindi nito maituloy ang sinasabi nito. Ibubuking pa 'ko ng loko!

"Hindi naman masamang magka-boyfriend 'nak basta yung school priority parin." sabi ni Nanay at from my peripheral vision nakita kong napangisi si Nerd.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na kaming kumain, nagpasalamat si Nerd sakanila at agad agad kaming lumabas ng bahay at nakita kong nakaparada yung kotse ni Nerd sa harap ng bahay namin at saka kami sumakay ng kotse.

"Nerd..." sabi ko dahil ang tahimik.

"Hmm?" sabi nito habang nagmamaneho.

"Wala lang ang tahimik kasi." sabi ko habang nakatingin lang sa daan.

"Cute." sabi nito at saka ko napatingin sakanya.

"Cute?" tanong ko sakanya.

"Wala lang, nacucute-an lang ako sa'yo, ganon ata talaga pag gusto mo 'yung isang tao." sabi ni Nerd sakin at eksaktong naka red yung traffic lights pinalapit ako ni Nerd sakanya at sinabing may ibubulong daw.

"Gustong gusto kitang halikan ngayon, lintek." sabi saakin ni Nerd at mag sasalita na sana 'ko ng nag salita ito.

"Mag sasalita ka o hahalikan kita?" sabi nito saka bumuntong hininga at pinaandar yung sasakyan.

"Damn that irresistible lips of yours." sabi into habang nagmamaneho.

-
Add me (FB): Ammasoldier WP
Follow me (IG): ammasoldier

THANK YOU, SOLDIERS

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon