Chapter 19

31 1 1
                                    

"N-nerd." hindi ko alam kung anong dapat kong i-sagot sa sinabi nya.

"Hindi kita minamadali Ella, Gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko sa'yo at ang nararamdaman ko kapag may kasama kang iba." sabi nito at saka ito nag iwas ng tingin.

"P-pero hindi kaba nadadalian sa lahat ng pangyayari? Hindi ko nga alam kung bakit mo sinasabi sa'kin yan at bakit ako pa ang n-nagustuhan mo." tanong ko sakanya dahil hindi ko alam ang tamang salita at reaksyon sa sinabi nya.

"Hindi ako nadadalian sa lahat ng mga nangyayari, dahil kapag nagka gusto ako sa isang babae sigurado ako sa nararamdaman ko at unang tingin ko palang sa'yo alam kong ikaw na 'yon." sabi nito habang nakatingala sa langit.

"And one more thing, I'll court you even if you say No." sabi nito na syang ikinagulat ko.

"Nababaliw ka na ba?" tanong ko sakanya.

"Siguro nga nababaliw na 'ko Ms. President, wala namang masama doon diba? umo-o kaman o hindi I don't care about that, lalo na't may lalaking umaaligid sa'yo na lalong nag uudyok saakin para maging akin ka." sabi nito saakin at saka tumayo ito.

"Let's go, baka mahamugan ka pa." tumayo kami at umalis sa Park at hinatid nya 'ko sa bahay habang suot suot ko ang jacket nya.

"S-salamat sa pag hatid at happy birthday ulit." sabi ko kay Nerd, nginitian nya 'ko at saka ito nag salita.

"Regalo ko ah? Tatlong letra lang naman 'yon."sabi nito saka ngumisi at hamalakhak saka pumasok sa sasakyan nya. Agad akong pinamulahan ng mapagtanto 'ko kung ano yung sinabi nya. Pero na realize ko ng nakaalis na sya na suot ko papala yung jacket na ipinahiram nya saakin kanina.

Pumasok ako sa pinto namin at kinandado ito ng dahan dahan para hindi magising sila Nanay.

Ano kayang ireregalo ko kay Nerd?
Nakakahiya naman kung wala, p-pwera nalang don sa tatlong letra na hinihingi nya na hindi ko pa alam kung anong isasagot at gagawin ko.

Kinabukasan ng umaga, linggo 'yon at pabalik balik ako ng lakad sa harap ni Gideon na nag d-drawing ng anime, kung hindi sya nanunuod, nag d-drawing naman ang ginagawa nya.

"Kahit hindi ako nakatingin sa'yo nakakahilo." nagulat ako ng bigla itong nag salita habang nag d-drawing.

"Eh pa'no naman kasi, 'di ko alam kung anong magandang ipang-regalo sa lalaki!" sabi ko kay Gideon pero hindi parin ito natitinag sa pag d-drawing.

"Brief." sabi nito at napatigil ako sa paglalakad sa sinabi nito.

"Hindi ka talaga makuhanan ng matinong sagot! Anime pa!" pasigaw kong sabi sakanya.

"'Wag kang maingay ate, pag hindi ko nai-drawing ng maayos 'tong si Yuno ikaw ang may kasalanan." sabi nito at hula ko ay yung Yuno ay yung dinodrawing nya.

"Kung ako tatanungin gusto kong regalo, singsing." sabi nito na syang ipinagtaka ko.

"Singsing?" tanong ko sakanya.

"Hindi, medyas." sabi nito at saka ko ito tinignan ng masama, pilosopong tunay talaga ang magaling kong kapatid.

Tinignan ko ang laman ng wallet ko at 500 pesos lang ang laman ng wallet ko o sabihin na nating ipon ko sa buong buhay ko.

Agad agad akong nag bihis at nag paalam kay Nanay na may pupuntahan lang at may pag bibilhan ng regalo. Sumakay ako ng bus papuntang SM North Edsa at pagka baba ko ay medyo hilo pa 'ko dahil 'di ako sanay sumakay ng bus lalo na kung aircon.

Pumasok ako sa mall at saktong may nakita akong jewelry store pagkapasok ko palang ay nakita ko na ang mga presyo kaya agad agad akong lumabas.

Hay, Nerd ano bang ireregalo ko sa'yo. Nagpunta 'ko sa department store at nag hanap ng damit pero hindi ko naman alam kung anong babagay sakanya. Kaya dumiretso muna ako sa McDo at umorder ng ALDUB meal.

Agad agad akong natapos sa pagkain ko dahil loner ako at walang kasama.

Habang naglalakad ako, napa daan ako sa blue magic habang namimili ako ng stuffed toy sana dahil ito nalang ang huling choice ko nakita ko sa may counter na puro mga singsing at nabasa ko ang nakalagay doon.

"Mood Ring."

"Good morning po ma'am, 50 pesos lang po yan at 150 pesos po yung pinakamahal, nag iiba po kulay nyan based po sa nararamdaman ng isang tao." hindi ako nagpapaniwala sa mga ganoon pero na amazed parin ako tinignan ko yung tig 150 at pwede itong isuot ng lalaki o babae.

Ang kaso lang, hindi ko alam kung anong size ng daliri ni Nerd! Sinukat ko yung isang singsing at sakto saakin 'yon nag try pa 'ko ng iba at may napili na 'ko sana kasya!

May binigay saakin na catalogue pag katapos kong mag bayad at tinignan ko kung anong nakasulat doon, mga meaning nung kulay sa mood ring.

Pagka uwing pagka uwi ko laking pasasalamat ko ng tuyo na ang jacket na ipinahiram saakin ni Nerd pagkatapos ko itong labhan saka ko nilagay sa maliit na box yung singsing at binalot ito saka nilagay sa bulsa ng jacket ni Nerd.

Sana magustuhan mo Nerd.

-

For more updates/if you want to chat me:

Facebook: AmmaSoldierWP
Instagram: ammasoldier
PS: gawa gawa lang price nung mood ring pero meron talaga 'yon sa Blue Magic.
THANK YOU, SOLDIERS! ♥


Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon