Chapter 6

32 0 0
                                    

Lumipas ang isang linggo, lahat ginawa na namin para humaba yung ipapasa naming project pwera lang sa scene ko at scene sa bahay namin, napag isip isip kong wala akong magagawa dahil 'yon lang ang paraan para maging bida ako at nakakahiya naman dahil ang nanay ni Nerd ay nag effort sa pag arte tas ako aarte lang dahil hindi ko gusto yung role samantalang kaming dalawa naman ang makikinabang dito dahil grades namin 'to at wala namang malisya 'tong gagawin namin.


Andito na 'ko sa school at mangilan-ngilan palang kaming nasa room kasama si Nerd at nakita kong may lumapit sakanya na babae.


"Hi Ms. Pres pwedeng lumipat ka muna ng upuan? hehe may itatanong lang ako kay Viel." May itatanong kalang pala ba't kailangan ko pang lumipat ng upuan? yan ang gustong gusto kong sabihin pero lumipat ako ng upuan dahil may itatanong lang sya at konti pa naman ang estudyante.


"Ahm, Hi Viel pwede bang magtanong?" from my peripheral vision nakita kong  inayos ni Nerd ang salamin nya at lumunok.


"A-ano 'yon?" 


"Alam mo ba yung sagot sa assignment natin? Pakopya naman oh, Pleasee!" Pakopya? eh kung paghiwalayin ko kaya yang mukha nya sa dalawa? umubo ko para mapansin nyang andito pa 'ko ang president nila, ang ayaw ko sa lahat ay laging nakaasa sa kopya, dahil kailan man hindi nasusukat ng grades ang katalinuhan ng isang tao lalo na kung hindi mo naman pinaghirapan.


"A-ah, ano lang turuan mo nalang ako Viel." sabi ni Santos habang naka pout, babae kong kaklase, Si Santos na walang sinasanto at lahat pinapatos.


"S-sige maupo ka dito sa tabi ko, paki open yung book mo sa page 93" naupo si Santos sa tabi ni Nerd at tinuruan sya nito makalipas ang limang minuto natapos din sila.


"Thank you so much Viel, I owe you a lot!" pa cute na sabi ni Santos pero tatayo na sana ko para lumipat ulit sa dati kong pwesto ng nakita kong hinalikan ni Santos si Nerd sa pisngi.


"Pasasalamat lang." sabi ni Santos habang nakangiti at nag wink kay Nerd na poker face lang.


"Kadiri ka, pati nerd pinatos mo!" umupo na 'ko at narinig kong nagsalita yung isa kong lalaking kaklase. 


"Wala kang pakealam Bryan 'no! kundi dahil sakanya wala akong assignment hihi."


"Sa susunod Ms. Santos 'wag mo ng uulitin 'yon dahil hindi p-pwedeng manghahalik ka nalang ng basta basta at sa loob pa ng classrom sa ngayon bibigyan muna kita ng warning" singit ko sa  usapan nila.


"K." sagot nya sa'kin at saktong dumating si Ma'am


"Good morning class, may announcement ako, 3 subjects lang ang klase for today dahil magkakaroon kami ng meeting mamaya." Sabay sabay na naghiyawan ang mga kaklase ko dahil maaga ang uwian agad akong napatingin sakanya at tinanguan nya 'ko, ibig sabihin ngayon namin itutuloy yung scene ko para sa project namin.


Mabilis lumipas ang oras at natapos agad ang klase, naglalakad kami ngayon ni Nerd papunta parking lot buti nalang dala nya ang kotse nya. Nagulat ako ng binuksan nya ang pinto ng sasakyan nya sa may passenger seat.

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon