Chapter 23

24 1 0
                                    

Laglag panga ko syang tinignan habang nakapamulsa lang ito at napapansin kong kumokonti na ang tao dahil tapos na itong magsipag kainan. Halos hindi ako makapag salita habang inoorder ni Nerd yung kakainin namin.

"T-teka ang dami naman ng inorder mo mauubos ba natin 'yan?" nagtataka kong tanong kay Nerd dahil halos lahat ay orderin nya na.

"Pamigay natin sa labas tas yung iba iuwi mo sainyo." walang emosyong sabi nito saakin at saka 'ko inaya nitong umupo.

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa kami nalang ang natira dito at nanlaki ang mga mata ko ng sunod sunod na ihain yung mga inorder ni Nerd.

"Grabe ka! Hindi ko alam na pati McDo narereserve-an! pwede pa namang isauli 'tong inorder mo 'di ba? O-okay lang saakin kahit sa turo-turo nalang tayo kumain." Nag aalangan kong sabi dahil alam kong 'di biro ang gagastusin nya dito, grabe nakapunta naman ako sa bahay nila pero masasabing simpleng may kaya o mayaman lang sila pero hindi ko aakalaing ganito sila kayaman na parang wala lang kay Nerd yung ginagastos nya. 'Di kaya pagalitan kami ni Tita?

"Hey, stop thinking. Just eat." sabi nito kaya nag simula na 'kong kumain, bawal tanggihan ang grasya saka alam ko namang pangarap ng karamihan 'to, ang makakain ng maraming fries! ang kaso lang yung akin hindi sinasawsaw sa sundae kun'di sa coke.

"Weird." narinig kong sabi ni Nerd habang sinasawsaw ko yung fries sa coke.

"About nga pala sa slam book, yung totoo wala ng mas titinong sagot doon? 'Oy Nerd activity 'yon baka mapagalitan tayo pag nakita mga sagot mo!" sabi ko kay Nerd ng maalala ko yung mga sagot nya nung nabasa ko yung sagot niya sa slam book kanina.

"Tsk. Eto na eto na babaguhin na po Ms. Pres!" tinatamad nitong sabi habang sinimulan nanaman nya sa umpisa yung pag sasagot sa slam book.

Makalipas ang ilang minuto busog na busog na kami at tapos na din nyang sagutan yung slam book at sa wakas ay matino na ang sagot ni Nerd.

"Finally! Matino na! Nga pala, papasagutin ko din si Gab ng slam book bukas bago pumasok." sabi ko dahil kaming tatlo nga lang ang magkakatabi sa pinaka likod sa classroom.

"Kamusta na kaya si Gab?" sabi ko habang nakatulala dahil sa pag iisip at dahil na rin sa kabusugan ng maalala ko yung nangyari sa may rooftop sa pagitan nilang dalawa at hanggang ngayon ay nahihiwagaan parin ako sa pinag usapan nilang dalawa.

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon