"Mahilig ka talagang manghila 'no?" sabi ko sakanya habang naglalakad papuntang sakayan. Pagkatapos nya kong hilahin papalayo kay Gab ay wala lang syang kibo, Nasa likod nya 'ko ngayon at sinusundan sya, hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya at seryoso lang syang naglalakad.
"Oo mahilig akong manghila at sa'yo ko lang 'yon ginagawa." sabi nya na nagpatahimik saakin.
"A-ang lakas din ng trip mo Nerd 'no? kung ano-ano pinagsasasabi mo." sabi ko sakanya.
"Ano kakain ka pa ba ng ice cream? natatanaw ko na yung bilihan." sabi nya at walang sabi sabi ko syang hinila papunta sa bilihan.
"Ate, Isa nga pong tig-20 na ice cream yung cookies and cream po flavor." tatawa tawa syang lumingon saakin at kinuha yung wallet nya.
"Parang may magagawa pa 'kong tumanggi eh um-order kana, hahaha!" inabot ni Nerd ang bayad nito at binigay na ni ate yung ice cream at nagsimula na 'kong lantakan ang ice cream dahil paborito ko itong flavor bata pa lang ako.
"Nerd, ayaw mo ng ice cream? ano bang favorite flavor mo?" sabi ko habang kumakain ng ice cream.
"Ikaw." sabi nya at napatigil ako sa pagkain ko ng ice cream at napalingon sakanya.
"Nerd! Pwede ba tigil-tigilan mo ang pag banat?" sabi ko at humalakhak lang sya, ewan ko ba dito kay Nerd dahil lahat ng sasabihin mo may pang banat sya eh at hindi ko alam kung kikiligin ba 'ko o ikokonsidera kong pang asar yung mga sinasabi nya.
Nakarating na kami sa sakayan at bago ako sumakay ng Jeep ay nag salita sya.
"Ipangako mo saakin Ella kung hindi mo kayang lumayo sakanya, wag mong ibigay ang loob mo sakanya dahil katulad ng sinabi ko sa'yo, hindi lahat ng nasa paligid mo ay mapagkakatiwalaan. Pero sinisigurado kong lahat ng sinasabi ko sa'yo ay totoo, at handa akong masaktan 'wag lang ikaw." sabi nito saakin at sumakay ako sa jeep ng tulala at malalim ang iniisip.
Nerd anong gusto mong iparating sakin? Patagal ng patagal nagiging komplikado ka at hindi kita mabasa. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo kung bakit mo ginagawa sakin 'to, kung bakit mo sinasabi sakin yung mga salitang 'yon at kung bakit pag kasama mo 'ko ay ganon ang mga kilos mo. Agad akong nakarating sa bahay namin, at nakita kong nagtitinda pa sila nanay at tatay. Lumapit ako sakanila at nag-mano saka dumiretso sa kwarto at binagsak ko ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame.
"Gideon." tawag ko sa kapatid ko na nanunuod ng TV at kagagaling lang din sa school dahil half day lang sila.
"Anong ibig sabihin kapag nagugulahan ka sa nararamdaman mo kapag kasama mo ang isang tao?" tanong ko sakanya na habang nanunuod parin ito ng anime sa TV, lumingon ito sakin at nagsalita.
"Ate, isa lang ang ibig sabihin non." agad akong napabangon at nag salita.
"Ano?!" excited kong sabi na nag-aabang ng sagot.
"Natatae ka." agad ko syang binato ng unan sa ulo at binatukan.
"Aray! Ikaw na nga magtatanong ikaw pa mambabatok? nanunuod ako ate! kita mong lumabas na si L at nagpakilala na kay Light, nang iistorbo ka." sabi nito habang nakasimangot at bumalik sa panunuod.
"Ewan ko sa'yo, tinatanong ka ng maayos ayaw mo naman sumagot ng maayos din! nasobrahan ka na talaga sa pag aaral at hindi ka na makuhanan ng tamang sagot kundi related sa mga subjects!" pasigaw kong sabi sakanya.
"Paano ba kasing naguguluhan yung nararamdaman na sinasabi mo? linawin mo kasi." sabi nito habang tutok na tutok parin sa panunuod.
"Yung tipong ang bilis ng tibok ng puso ko kapag kasama ko sya, tapos hindi ko alam kung nang aasar lang ba sya o totoo yung sinasabi nya." sabi ko habang nakatitig sa kisame.
"NAY! SI ATE INLOVE NA!" nagulat ako ng sumigaw si Gideon, agad agad akong napabangon at tinakpan ko ang bibig nito at saka pinitik ko ang noo nya.
"Aray! Kailan ka pa natutong mamitik ng noo ate?" agad akong napabitaw kay Gideon ng naalala ko sya.
Kakakilala ko palang sakanya at hindi ako 'to. Kailan pa 'ko naging ganito at ang gusto ko lang naman ay makapagtapos?
"Kalimutan mo na yung sinabi ko Gideon at hindi totoo 'yon, nag bibiro lang ako." seryoso kong sabi at kumuha ako ng damit at nag bihis sa C.R, nang matapos ako ay umupo ulit ako sa kama at sumandal nagulat ako ng biglang nag salita si Gideon habang nanunuod parin ng TV.
"Ate, sa bawat pangyayari ay may kaakibat na resulta. Ang resultang yon ay ang kinalabasan ng desisyon mo o ng isang tao. Sa isang pangyayari bago ka mag desisyon, isipin mo muna kung ano ang kalalabasan ng ginawa o gagawin mo. Sa bawat desisyon na gagawin mo ay imposibleng walang masaktan at walang masasaktan, pero dapat kang tumaya dahil ang pag ibig ay isang sugal kung hindi ka susugal hindi mo malalaman kung anong resulta ng gagawin mo, Para kang isang sundalo na nasa giyera at may armas na hawak pero sumuko at mas piniling wag gamitin ang armas na hawak mo laban sa kalaban, kahit hindi mo alam ang kalalabasan kung lalaban ka."
Napatigil ako sa sinabi ni Gideon.
"Mas mabuti ng sumugal ako at nalaman ko ang kalalabasan ng ginawa ko, kaysa mag mukha akong tanga at nagpapakaduwag na hindi man lang sumubok at mananatili nalang akong malungkot dahil sa mga posibilidad na nasa isip ko, kung sasaya ba 'ko o mananatiling nasasaktan ng hindi manlang sumusubok." sabi nya at lumingon saakin.
"Puno ng posibilidad ang buhay ate, hindi mo alam ang susunod na mangyayari kung mananatili ka nalang sa isang sulok at walang gagawing desisyon. Parang pag-ibig, hindi mo alam ang mangyayari kung babaliwalain mo lang ang nararamdaman mo at aakto na parang wala lang."
-
For more updates:
Add my facebook account: Ammasoldier WP
THANK YOU, SOLDIERS!
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomanceMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...