"Isa nalang ang bakanteng upuan sa may likod nalang, doon ka umupo sa tabi ni Ms. Trinidad." sabi ni ma'am.
Napabuntong hininga ako ng narinig ko na makakatabi ko 'tong transferee, no choice talaga dahil sa katabing upuan ko nalang ang bakante.
"And Ms. Trinidad, please guide your new classmate, paki tour sya dito sa school and as a president pakipaliwanag ang rules and regulations dito sa school." pag minamalas ka nga naman!
"Yes ma'am." sagot ko at umupo na si Nerd sa tabi ko.
Ipinagpatuloy ni ma'am ang papasagutan nya at sinabing kahit hindi muna sumagot si Nerd dahil kakapasok nya palang pero nakita kong sinagutan nya parin ang mga tanong, natapos namin checkan ang mga sagot namin.
"Ok class who got the highest score? raise your hand." nag taas ako ng kamay at napatingin ako sa katabi ko na nakataas din ang kamay, kaming dalawa lang ang nakakuha ng perfect score, as expected dahil nerd sya.
Natapos ang ilang subjects at lunch na, tinignan ko si Nerd na natutulog sa kinauupuan nya, nakalabas na lahat ng estudyante at kaming dalawa nalang ang naiiwan, iiwan ko na sana sya ng maalala kong ako ang mag t-tour sakanya.
"Mr. Cruz, gising na." tawag ko sakanya pero wala parin itong imik, Kaya hinawakan ko ang likod nya at dahan dahan syang ginising, pero wala paring epekto kaya nilapit ko ang bibig ko sa may tenga nya.
"MR. CRUZ! GISING NA PO!" at saktong pagkapaling ng ulo nya sa gilid dahil nakasubsob sya sa arm chair ay saktong nakalapit yung mukha ko, nanlaki ang mata nya at agad akong lumayo at napa ubo.
"May sakit ka ba at namumula ka?" tanong nya sa'kin.
"W-wala tara na sa labas at it-tour pa kita dito." at tuloy tuloy akong lumabas habang nakasunod sya sa'kin.
"So, etong 2nd floor ay room ng mga fourth year o room natin, sa tabi ng hagdan may makikita kang isang room, doon naman faculty ng mga teacher." Paliwanag ko sakanya at nakikinig naman sya, bumaba kami ng hagdan at ipinakita ko sakanya ang cafeteria namin.
"Mahirap bumili dyan dahil maraming tao kaya mas magandang mag baon ka nalang." sabi ko sakanya at nakatingin sya sa'kin. Umiwas lang ako ng tingin at itinuloy ang pagpapaliwanag, 30 minutes nalang ang natitira at matatapos na ang lunch kaya inaya ko sya sa cafeteria para kumain na, dahil puno na ang mga upuan at lamesa at isa nalang ang bakante talagang no choice at magkatabi kami.
Mabilis lumipas ang oras at nagsi-tayuan na ang mga estudyante para pumunta sakani-kanilang room, tinignan ko si Nerd at sinubo nya ang huling kutsara ng kanin at liempo saka uminom ng tubig at isinauli ang pinagkainan nya, nagmamadali kaming pumunta sa room namin.
Naglalakad kami sa hallway papuntang room at halos lahat ng estudyante ay nasa room na pero tantiyado kong wala pa ang mga teacher, kaya nagmamadali akong pumunta ng room para hindi malate, nagulat ako ng hinila ni Nerd ang kamay ko at nasa tagong parte kami ngayon kaya walang makakakita samin. Tinignan nya ang I.D ko at saka lumapit sa may bandang tenga ko at bumulong/
"Thank you sa pag t-tour, Ms. Micaella Adelaine Trinidad." ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga nya sa may tenga ko at sa may leeg ko at bago umalis ay tinitigan nya ko sa mata at ngumiti saka lumakad ng nakapamulsa papuntang room namin. Naiwan akong tulala at parang binuhusan ng yelo.
"A-anong nangyari?" sabi ko sa sarili ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Just a Dream (On-going)
RomansaMARTICIA SERIES #1: JUST A DREAM "Ikaw lang naman ang gusto ko, noon at hanggang ngayon walang magbabago at walang pagbabago I don't care about them I don't care what will people say, f*ck them, I am only yours baby buong buo, sa'yong sa'yo ako." P...