Chapter 5

27 0 0
                                    

Author's note:

Ngumingisi ako ng mag isa dito habang nag iimagine ng mga mangyayari  (;一_一) Tara kain tayo ng fudgee bar dahil may bagyo at ang sarap sa pakiramdam dahil malamig (walang connect) (¬_¬).

-

Nag eecho parin sa tenga ko yung sinabi ni Nerd, adik ba sya? aish! ba't ba sa tingin ko iniinis nya ko? ano bang meron sa'kin at pinattripan nya 'ko at eto pa huh! pinag t-tripan ako ng isang NERD! ay mali pala kunwaring NERD! bwiset talaga! Natapos magbihis si Tita at lumabas sya nginitian ko sya at binigay ng thumbs up as a sign na maganda at bagay yung dress kay Tita. Pumunta kami sa may bakod nila at binuksan ang ilaw dahil mag g-gabi na. Makalipas ang ilang minuto inihanda ko na ang video cam.


"Ready na po ba kayo? We'll start in 3...2...1 ACTION!" sigaw ko at feel na feel ko ang ginagawa ko haha.


"Ma, pinatawag nyo daw ako?"  nag uumpisa na silang umarte, kagagaling lang sa pinto ni Nerd at pinatawag sya ni Tita kunwari. Natatawa ko pero pinipigilan ko lang seryoso ang pag acting ni Nerd at okay naman kaso natatawa ko sa itsura nya, di manlang kasi mag ayos!


"Yes, maupo muna tayo at may sasabihin akong importante sa'yo kaya pinatawag kita." Infairness sa acting ni Tita! hindi pilit at awkward ang pagsasalita parang nag nining ning ang mata ko habang pinapanuod sila dahil nakikinikinita ko na ang mataas na grade na matanggap namin dito.


"Yes, Ma?"  umupo si Nerd at seryosong tumingin kay Tita.


"Hindi na 'ko magpapaligoy ligoy pa, Ikaw ang magmamana ng business natin Son, I hope na pumayag ka dahil wala ka na din namang magagawa, nasa ibang bansa ang daddy mo ngayon alam mo naman kung gaano ka strikto 'yon, no choice kami dahil ikaw lang ang anak namin." intense na nangyayari pati ako halos hindi kumurap habang nagvivideo.


"You've gotta be kidding me, ginagawa nyo kong puppet! business? haha, mas mabuting umalis nalang ako dito kaysa matali ako dito, May sarili akong pangarap Ma! Mas mabuti pang humanap nalang kayo ng ibang 'anak' na mag mamana ng business nyo." Napatingin ako kay Nerd nung sinabi nya yung linyang 'yon, parang may pinang huhugutan eh parang hindi sila umaarte at natural ang mga nangyayari. Nakaka-kaba naman pano kung hindi maayos ang pag arte ko.


"Ginagawa namin 'to para sa'yo at hindi para samin lang! hindi ka namin pinalaki ng ganyan!" sabi ni Tita at tuloy tuloy na lumabas si Nerd.


"CUT!" hudyat na tapos na yung scene at bumalik si Nerd saka ko pumalakpak.


"Grabe po ang gagaling nyo!" sincere na sabi ko may ibubuga ang acting nila. Ngumiti si Tita at nagsalita.


"Hija gabi na, delikado na sa daan." nataranta ko ng tinignan ko yung oras sa cellphone ko grabe ang bilis ng oras!


"Ay! Opo uuwi na po ako salamat po ulit!" nagmamadali kong sabi pero pinigilan ako ni Tita.


"Viel, ihatid mo na 'to" pinanlakihan ng mata ni Tita si Nerd at walang nagawa si Nerd kundi sumunod. Sino ba naman ako para tumanggi diba? lihim akong napangiti dahil gusto kong makitang naiinis 'tong si Nerd hahaha!


"Ay nag-abala pa po kayo, Salamat po ulit." sabi ko saka sumunod kay Nerd at binuksan nya yung kotse pero umupo ako sa pinakahulihan para mag mukha syang driver hahaha!


"Ba't dyan ka umupo? Pagmumukhain mo 'kong driver?" Kunwari wala akong narinig at nagkunwaring may tinetext sa cellphone, hindi na sya umangal pa at nagsimulang ng umandar ang kotse buti nalang hindi kalayuan ang bahay namin kaya mabilis akong makakauwi.


Lumipas ang limang minuto at nakarating nadin kami sa bahay ko agad akong lumabas ng kotse at nagpasalamat naman ako kahit papaano pero hindi lang sya kumibo at saka pinaharurot yung kotse nyang pang mayaman. Papasok na sana ko ng may nakita kong nakatayo sa ay harap ng pinto namin.


"Sinasabi ko na nga ba, Walang lihim na hindi mabubunyag." agad kong nakilala kung kaninong boses nagmula 'yon at tuloy tuloy na pumasok sa bahay.


"Naaaning ka nanaman Gideon, wag puro aral at ipahinga mo muna kahit sandali 'yang utak mo dahil ayokong matuluyan ka at lumuwag ang turnilyo dyan sa utak mo." Nakita ko si Nanay at Tatay na inaayos yung paninda namin para bukas lumapit ako at nagmano sakanila, at tinanong nila kung okay naman daw ba at sinabi kong maganda ang kalalabasan ng project namin dumiretso ako sa kama ko pero bago 'yon naligo muna ko at nahiga para matulog.


-

"Thank you po para sa kanina Nay galing nyo po umarte."


"Ikaw pa ba? malaki ang utang na loob ko sa inyo 'nak saka parang tunay na anak na din kita, Pero hindi kaba nag aalala na baka hinahanap ka na sainyo Genesis?"


"Alam naman po nilang andito ako dahil malakas ang koneksyon nila at imposibleng hindi po nila matutunton kung saan ako magpunta."  hinubad ko ang salamin at braces ko saka pumunta sa banyo para maligo pinag masdan ko ang  sarili ko sa salamin at napangisi. Ibang tao ang nakikita ko ngayon sa salamin.


"Messiah Genesis Marticia, hanggang kailan ka nga ba magtatago?"










Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon