Chapter 22

23 0 4
                                    


Author's Note:

Dedicated 'to sa kaibigan ko na birthday bukas na pinang hugutan ko ng character ni Ella at kay Jem na namimilit mag update na dapat pasalamatan kasi may update ngayon haha!

Enjoy reading, balik na tayo sa present.

Lahat ng pangyayari ay pawang kathang isip lamang.

"Yung totoo anong pinag usapan nyo?" tanong ko kay Nerd dahil hindi ako mapakali at gusto kong malaman kung ano yung pinag usapan nila last week. Buong linggo ko silang dalawa tinatanong kung anong meron pero hindi lang sila umiimik, pag tinatanong ko 'yon iniiba nila yung usapan na lalong nag bigay ng dahilan para ungkatin ko yung topic about doon.


"Anong gusto mong kainin?" sabi ni Nerd saakin habang nag lalakad kami, ayan nanaman sya! wala kaming pasok ngayon dahil holiday, ang kaso lang tambak naman ng mga assignments. Kaya no choice ako isa sa dahilan kung bakit kasama ko si Nerd ngayon ay para sa isang activity namin sa isang subject parang slam book. Binasa ko yung mga nasulat na ni Nerd kanina at saka umupo sa may bench na nakita namin.


Name: Viel

Age: 16

Address: Sa may eskinita.

Mobile #: #1 


 Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa dahil biglang tumaas ata ang dugo ko sa mga nabasa kong sagot ni Nerd, kaya tinignan ko ito ng masama habang pasipol-sipol lang ito at nakapamulsa.


"YUNG TOTOO? NAPAKA TINO NG SAGOT MO!" sinigawan ko 'to at napatakip sya ng tenga.


"Eh, kasi naman! boring ng activity!" nag mamaktol na sabi nito habang nakanguso na parang bata. 


"Eh ang dali dali nga lang nyan! Teka ano bang meron sa'yo ngayon at nag mamaktol ka?" tanong ko sakanya dahil parang ngayon ko lang sya nakitang gumanyan, kadalasan kasi seryoso sya at nang iinis, ako pa madalas dehado pero parang ngayon nabaliktad ata.


"Pa'no naman kasi tsk." sabi nito at nag iwas ng tingin, napakunot ako ng noo.


"Ano nanaman yun?" tanong ko sakanya at bumuntong hininga sya saka parang nahihiyang nag salita.


"Nag papalambing lang naman ako." sabi nito saka yumuko sa may bench na inuupuan namin para itago yung mukha nya, Ayan nanaman sya.


"Ah, hehe McDo nalang tayo. Doon ko gustong kumain." pag iiba ko ng topic dahil tinanong din naman nya ko kanina kung anong gusto kong kainin, saka sya tumayo at inayos yung salamin saka inaya akong mag McDo, wala kaming imikan habang naglalakad kami.


Awkward...


Ilang minuto ang lumipas at nakarating narin kami sa McDo, tuwang tuwa ako dahil as usual! libre nanaman ako ni Nerd haha, mas sumasarap ang pagkain lalo na kung libre!


"Ano ba 'yan ang pangit nung guy!" habang nakapila kami may narinig akong nag salita habang kumakain sila sa likuran namin, nakapila kaming dalawa ni Nerd para umorder pero nahuli kong nakatingin yung babae kay Nerd.


"Shh, babe may ganyang porma papala hanggang ngayon haha!" sabi ni kuyang kasama ni ate, mag jowa pala ang dalawang hinayupak. Kaya hindi na 'ko nakapag timpi pa at kinalabit ko si Nerd.


"Uy, alam mo ba uso pala talaga ngayon yung mga taong MAPANGHUSGA ano?" nilakasan ko yung pagkakasabi para marinig nung dalawang nasa likod ko.


"Excuse me, kami ba yung pinariringgan mo?" tanong ng babae saakin habang nakataas ang kilay, sa mga ganitong eksena lumalabas ang katarayan ko eh.


"Bakit natamaan kayo?" sabi ko sakanila at biglang tumayo si kuyang mukhang mandirigma.


"Excuse me ayaw namin ng gulo, Alam naming narinig mo yung kaninang pinag uusapan namin ng girlfriend ko pero 'wag ka sanang masaktan pero totoo naman yung sinabi namin tungkol dyan sa boyfriend mo." sabi nung lalaki habang tawa sila ng tawa ng girlfriend nya. Agad na nag pantig ang tenga ko sa sinabi nila mag sasalita na sana ako ng nakita kong wala na pala si Nerd sa tabi ko papunta na ito saamin habang may kausap sa cellphone napapansin kong nakakakuha na kami ng atensyon sa mga kumakain.


"Excuse po mga Ma'am at Sir, baka pwede naman po natin pag usapan 'to? nakakaabala na po kasi tayo sa ibang kumakain." lumapit saamin yung Manager ng McDo pero napatigil ito sa pag sasalita ng tumunog yung cellphone nito at parang biglang namutla.


"O-opo." sabi nito sa kausap nito sa cellphone at saka nag salita.


" Excuse me po ma'am ano pong full name nyo pong dalawa ni Sir?" tanong ng manager pero magsasalita na sana ako pero napansin kong nakatingin yung manager sa dalawang kasagutan ko. Kahit nag tataka, sinabi nilang dalawa yung full name nila.


"Ah, Ma'am and Sir pasensya na po pero from now on, bawal na po kayong kumain sa kahit saang branch ng McDo, pasensya na po napag utusan lang po." agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nung Manager sa dalawa.


"Sa lahat po ng kumakain ngayon, reserved na po 'tong McDo sa susunod na dalawang oras maraming salamat po sa malawak na pang unawa, hihintayin lang po namin kayong matapos kumain." agad akong nanlumo dahil sa narinig ko at galit na galit na lumabas yung dalawang mag syota at bago umalis nag banta pa itong mag dedemanda. 


"Sa susunod pumili kayo ng kakalabanin nyo. By the way Ella ako yung nag pareserved, order what you want, feel free." sabi ni Nerd saakin na lalong nag pagulat saakin.

-

Add me (FB): AmmaSoldierWP

Follow me (IG): ammasoldier

THANK YOU, SOLDIERS!

Just a Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon