CSL 4~ Bipolar

59 4 0
                                    


CSL 4~ Bipolar




Tinitignan ko siyang mag solve ng problem na ginawa ko. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya—na lagi namang wala. Kaya hindi mabasa ang nasa isip niya. Seryoso siya sa ginagawa niya. Nakakunot pa ang noo.

Pinunit niya 'yung papel at nagsolve ulit. Tinignan ko naman ulit at mali ang pag-sosolve niya.

"Dapat kasi, kina-cancel mo muna. I-cancel mo 'tong dalawang 6. Makukuha mo na 'yung sagot." Sabi ko.

Sinunod naman niya kaya nakatapos na siya. Pang huling problem na kasi 'yung sinasagutan niya. Kakatapos ko lang kasi mag gawa ng project. Dito na rin ako gumawa, pwede naman daw. Ginawan ko nalang siya ng mga problem na dapat niyang isolve para may magawa siya.

Kakaiba nga eh, ang tahimik niya. Oo tahimik naman talaga siya, pero kahit isang salita lang na sabihin niya, hindi niya magawa. Dahil ba dun sa sinabi ko kanina? Na-galit kaya siya?

Nagligpit na rin ako. Nakakahiya namang magpahatid sa kanya, 'no.

"What's your number?" Tanong niya. Medyo nagulat pa ako. Bakit niya tatanungin ang number ko?

Mabuti nalang at saulo ko ang number ko. Binigay ko sa kanya tapos sinave naman siya sa phone niyang mamahalin. Nahiya naman ang nokia3210 ko. Bakit ba niya kasi kinuha? Para saan? Para gawin akong textmate? Wow ha.

"Bakit mo pala sinabing wala akong cellphone sa harap ni Silver?" Tanong ko.

"Is he your friend?" Tanong niya. Nag-iiba siya ng topic. Galit pa rin kaya siya? Ayoko namang tanungin 'no! Psh.

"Bestfriend." Pag-correct ko.

Tumango naman siya. "Where's your phone?" Tanong niya.

"Eto." Pinakita ko sa kanya ang nokia3210 ko.

Tumawa siya ng malakas. Totoo ba 'to? Tumawa siya? Sa harap ko?

"Seriously? I thought nokia3210 doesn't exist anymore." Sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

"Sige tumawa ka. Porket ganito cellphone ko ha?" Sarkastiko kong sinabi. Bwisit 'to. Pagtawanan ba daw 'yung mahal kong cellphone. Edi siya na may touch screen!

Maya maya ay tumigil din siya. Buti naman, isupalpal ko sa kanya 'tong librong makapal na 'to, eh. Inayos ko na ang huling libro tsaka tumayo. Inabot na naman ako ng 8PM dito sa kanila.

"I'll bring you home." Sabi niya tsaka siya kumuha ng jacket sa drawer niya. Kulay black 'yung jacket niya tapos may hoodie. Kinuha din niya ang susi.

Lumabas na kami ng kwarto niya. Diretso lang siyang bumaba ng hagdan. Tapos ako, nakasunod lang din sa kanya. Napansin ko, may mga katulong naman pala sila. Hindi ko lang siguro nakita noong unang punta ko pa lang dito. Tapos wala rin ang mom niya.

Pagkasakay sa kotse, may lalaking nagbukas ng gate nila. Ang gara naman pala.

"Uh... Julian, nasaan ang mom mo?" Tanong ko. Ang tahimik kasi masyado eh.

Seryoso siyang nakatingin sa unahan, napakaseryoso naman nito magdrive.

"She's meeting with the new client." Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Eh, ang dad mo?" Tanong ko.

Nacucurious kasi ako sa dad niya. Nakita ko na siya sa picture pa lang. Mukhang strikto, katakot.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon