CSL 29~ One Last Time

30 1 0
                                    

CSL 29~ One Last Time



{Please play Kiss The Rain by Yiruma in the multimedia~}




Julien POV




Puno ng pag-alala ang puso ko.. hindi ko na alam kung anong gagawin at natataranta na rin ako. Tumatakbo kami ni Andrea sa hallway ng ospital ngayon. Napapagod na ako pero mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa makapunta kami sa tapat ng kwarto ni Julian.




Nanghihina ang tuhod ko. Naninikip ang dibdib ko. Kung hindi lang ako hinawakan ni Andrea sa braso ay baka bumagsak na ako. Nakaupo sa gilid ng pintuan ang ama ni Julian. Nakatingin ito sa amin at bahagyang nagulat pero ngumiti ako na kinagulat ko. Malungkot kasi ang ngiti nito.





"Maiwan ko na muna kayo, Tito, Julien.." Sabi ni Andrea. Pipigilan ko na sana siya nang mabilis niyang naisarado ang pinto.





Naiwan kami ng ama ni Julian. Hindi ko maipagkailang kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na makikipag-usap ako sa kanya. Natatakot man, dahan-dahan akong humarap sa kanya..





"I'm sorry.."





Muli akong nagulat nang magsalita ito. Hindi ko kasi inaasahan na hihingi siya ng tawad sa akin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nito.





"Bakit po kayo nag-sosorry?" Tanong ko.





Tumunghay siya at tinignan ako sa mukha. Sobrang lungkot ng mata nito at namumula din na parang kagagaling lang sa pag-iyak.





"I'm sorry for all I have done to the both of you. H-hindi ko naman ginusto na ilayo ka sa anak ko.. Pero kasi, ayokong masaktan ka... Bata ka pa, hija. Alam mo naman ang kalagayan ng anak ko and anytime, kukunin siya sa amin. And I don't want that to happen. I want him to have a family in the future.. To manage our company. Pero... mukhang hindi na mangyayari 'yun.." Tumulo ang luha niya. Umiwas naman ako ng tingin dahil naiiyak din ako. "Ang paglayuin kayo ay ang pinakamahirap na desisyon sa tanang buhay ko, Julien.. You're his happiness. You're his key to survive his sickness."

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon