CSL 24~ Lost

29 2 0
                                    

CSL 24~ Lost



Julien POV





"Hoy kain, aba!"
Sita sa akin ni Osh habang nakatapat sa bunganga ko ang kutsara.




"Wala nga akong gana.." Tamad na tamad na sabi ko sa kanya.




"Hindi ka na kakain porket naging ganun jowakels mo? Gusto mong mabatukan kita? Ba't ka magkakaganun sa isang lalaki ha? Di 'yun kawalan 'no! Papatayin mo ba sarili mo sa gutom?! Halika dito, saksakin nalang kaya kita?!" Sermon sa akin ni Osh habang nakapameywang. Nakataas ang kilay niya sa akin at nag-aantay ng isasagot ko.




"Naks! Lakas maka-'Di 'yun kawalan' ah? Parang siya, patay na patay kay—"





"Tapos na 'yun, Lexie. Past is past. 'Di na 'ko ganun ka-tanga, 'no! Ha-ha-ha!" Sabi niya sa nagsusulat na si Lexie. Binaling niya naman ang tingin niya sa akin. "Oh ano? Kakain ka ba o kakain?" Tanong niya.





"Nagbigay pa ng choices.." Sabat ni Jonelle na busy sa phone niya. Si Tin, natutulog.




Tamad 'kong sumubo ng pagkain ko kahit wala talaga akong gana. Uminom ka-agad ako ng tubig tapos tumayo. "May.. gagawin pa 'ko.." Sabi ko tapos nagmamadaling umalis para hindi sila makapagtanong pa.





Dire-diretso lang ang lakad ko kung saan. Wala na kaming klase kaso nandito pa rin ako sa school. Ayoko munang umuwi sa bahay kasi hindi ko pa siya nakakausap. Hanga't maari, gusto kong magpaka-mature isipin na wala lang 'yung nakita ko nung nasa bahay ampunan ako. Bakit? Kasi gusto ko pa muna marinig ang side ni Julian kasi siya ang pinagkakatiwalaan ko kaya kahit anong sabihin nya, maniniwala ako.





Ayokong mag-assume na meron talaga silang relasyon. Knowing Satana? Dati na niya kaming sinira ni Julian. Siguro nag-hihiganti lang siya kaya ganun.




*boogsh!


Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon