CSL 7~ The Accident

57 4 0
                                    

CSL 7~ The Accident



"Waaaaaaah!"

Pagulong-gulong ako sa kama dito sa kwarto ko at kanina pa rin ako impit na sumisigaw, nasigaw ako sa ilalim ng unan ko para hindi marinig ni Tita. Kanina ko pa kasi iniisip 'yung...

"Ehhhh!!! Nakakahiyaaaaa!!!"

Nakakagigil talaga!

Kahapon pa pala nag-simula nung mangyari 'yung...ano..

'Yung flying napkin kuno...

Bakit kasi nakakahiya 'yung ginawa ko?! Tapos ngayon ko lang narealize..

Pero kahit nakakahiya 'yun, atleast hindi ako tinagusan, diba?

PERO KAHIT NA! NAKAKAHIYAAAA!

Gumulong ulit ako sa kama. Pero dahil dakilang tanga ako, nagkamali ako ng ikot kaya...

*boogsh!

"A-aww..." Daing ko. Nalaglag lang naman ako sa kama! Argh. Sakit ng pwetan ko, bwisit.

Pinilit kong tumayo. Walang pasok ngayon, Sunday eh.

Minsan, kapag naiisip ko 'yung kahapon, nahihiya na natatawa ako eh. Natatawa ako sa itsura ni Julian. Inosenteng-inosente talaga siya. Tapos kagabi din nun, tumawag si Julian—sabi niya, gusto daw akong maka-usap ni Daizen. Nagkwento naman si Daizen sa akin tapos...

Doon ko nalaman 'yung flying napkin. Shete, nakakahiya talaga!

"JULIEEEN!! May bisita ka!" Sigaw ni Tita.

Dali-dali akong umayos ng upo. "Papunta na po!" Sigaw ko din tapos inayos na ang pinaghigaan ko. Nagpunta na rin ako sa banyo para maghilamos at magtooth brush.

Pagkatapos ko, pumunta ako sa salas.

"HALA?! Bakit nandito ka?!" Gulat kong tanong.

"Diba sabi ko, pupunta ako dito 'pag weekends?" Sabi ni Silver.

Ay, oo nga pala. Napakamot ako sa ulo ko. "Oo nga, 'no? Nakalimutan ko, eh." Sabi ko.

Para siyang naging bata na ngumuso sa harap ko. "Yan, porket may Julian ka na, ah? Kinakalimutan mo na talaga 'yung bestfriend mo..." Nagtatampong sinabi niya.

Ano daw? Porket may Julian na ako?!

"Hoy! Anong Julian-Julian?!"

"Bakit? 'Di ba boyfriend mo 'yon?"

"Hindi ah! Never!"

"Sus, deny pa."

"HINDI KO NGA 'YUN BOYFRIEND!"

"EH BAKIT NAKASIGAW KA?!"

"TRIP KO LANG!"

May period ako, 'wag niya akong ginagalit. Moody pa naman ako!

Kinuha niya ang number ko. Nagtaka pa nga siya eh, bakit daw sabi ni Julian wala akong cellphone tapos meron pala. Hindi ko nalang binanggit muna na niregaluhan ako ni Julian ng cellphone. Baka paghinalaan niya ako—more like, asarin. Tsk.

Napagod na rin kami kakasigaw, pinaalam ako ni Silver kay Tita. Umalis kami ng bahay at pumunta sa may park na medyo may kalayuan sa bahay. Buti nalang walang masyadong mga adik dito, mga bata lang kasama ang mga magulang nila.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon