CSL 13~ Date

47 4 0
                                    

CSL 13~ Date



Julien.




Sabado ngayon kaya nakahiga ako sa kama ko. Nakatingin sa kisame. Malalim ang isip. Nakakainis naman kasi, bakit nagagalit si Julian? Wala naman akong ginagawang masama, ah?





Dapat ako 'yung nagagalit, eh.





Kinusot ko ang mata ko at tumayo mula sa pagkakahiga tsaka nagligpit ng kama. Pumunta akong kusina ng walang suklay-suklay at hilamos manlang. Nakakawalang gana naman talaga.





"Kain ka lang ng kain diyan, Sir Pogi, ah?" Narinig kong sabi ni Tita. Kailan pa siya nagkaroon ng ghost friend? Wala naman kaming bisita ngayon.




Hindi ko nalang pinansin, inaantok pa ako, eh. Dire-diretso lang akong naglalakad habang ang isang kong mata ay nakapikit at half open naman sa isang mata. Naka-pantulog pa akong naglalakad ng parang zombie.





"Ayan na pala si Julien, Sir Pogi oh." Sabi ni Tita.





Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko nang makita kong si Julian pala ang bisita namin. Nakatingin siya sa akin—half smiling habang nakaupo sa hapagkainan namin. Para akong nakakita ng multo kaya napatakbo ako sa kwarto ko at sinara ng malakas ang pinto. Pumunta ka-agad sa kwarto ko at sinara ng malakas ang pinto tsaka mabilisang pumasok sa banyo at naligo.





NAKAKAHIYA!





Nakita niya akong parang ewan na bagong gising!





Nung lumabas ako ng banyo, parang gusto ko ng kainin ng lupa. Nakita kong nakaupo si Julian sa kama ko habang hawak ang cellphone ko! Nagkatinginan muna kami bago ako sumigaw.





Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon