CSL 19~ Wooing

40 2 0
                                    


CSL 18~ Wooing





Third Person's POV





Nakangiting nilisan ni Julian ang paaralan. Sumakay siya sa kotse niyang pagnabasa, nag-iiba ang kulay. Ito kasi ang paborito niyang kotse. Nag-drive na siya pauwi sa bahay nila.





"Did I really confess to her?" Tanong niya sa sarili. "Of course, Julian." Natawa siya ng mahina nang mag-flash sa utak niya ang itsura ni Julien kanina.






Umiling-iling siya para mawala ang thoughts sa utak niya. Pagka-park niya ng kotse, diretso siyang umakyat sa taas. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya.





"Wow, ha?! Bago 'to! Sana kinuhanan kita ng picture!" Napatingin siya sa nagsalita. Si Andrea na nakaupo sa upuan ng grand piano nila. "Ba't ka nakangiti? Babae 'yan, 'no?! Sino? Si Julien ba? Ayiiii!!!!" Tumayo siya at nilapitan si Julian tapos kinurot-kurot ang tagiliran nito.





Tinabig naman ni Julian ang kamay ni Andrea. "Shut up." Sabi niya kaya tumigil si Andrea. Pero naka-ngiti pa rin siya.




"Ano na? Ligawan na ba?" Tanong ni Andrea.





Sandaling napatigil si Julian. Kumunot ang noo niya at humarap kay Andrea. "What's ligawan?" Curious niyang tanong.






Napatigil si Andrea sandal sabay hawak sa tyan. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Hooo! Hahaha!" Tawa siya ng tawa. Lalong nagtaka si Julian sa kinikilos ni Andrea. Nang kumalma na, umayos ito ng tayo at halata namang pinipigilan ang tawa. "Ligawan? 'Yan 'yung kila Mang Roberto! Lugawan! Wahahahaha!!!" Walang tigil ang halakhak ni Andrea. Nang marealize niyang hindi na gets ni Julian ang walang kwenta niyang joke, sumeryoso ang mukha niya.





Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon