CSL 20~ Caring

55 1 0
                                    


CSL 20~ Caring



Julien POV




Hindi ko alam kung bakit panay ang lamon ko ngayon. Kakakain ko lang naman pero nagugutom pa ako. Nakailang kanin ako nitong tanghali.





"Aba hulyeta pangatlong kanin mo na 'yan!" Sita sa akin ni Tin. Nandito siya sa bahay namin, nakatambay.





"Wala kang pakialam." Sagot ko sa kanya sabay subo.





Inirapan niya ako at nag-cross arms. "Sungit. Palibhasa, menopause na." Bulong niya pero narinig ko naman. Ibabato ko na sana ang baso sa kanya nang magsalita siya. "Ha-ha-ha, joki lang!" Sabi niya at nag-peace sign.






Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Nang matapos na, pumunta ako sa lababo at hinugasan ang pinagkainan ko. "Bakit ka ba nandito?" Tinanong ko si Tin.





"Nababadtrip ako kay Kayden. Sarap hambalusin." Sabi niya. Wala talagang galang, pangalan lang ang tawag sa Kuya niya.






"Bakit?"





"Mukha daw akong tamaraw dahil sa 'Tamara' ko. Eh ano pa siya? Chimpanzee." May gigil sa tono niya. Natawa nalang ako sa kanilang magkapatid.





Nang matapos na ako sa ginagawa ko, umupo kami ni Tin sa sofa at nanood ng kung ano-ano.





"Pero maiba ako, anong feels ng may boypren na?" Bigla niyang tanong habang umiinom ako ng tubig. Napa-ismid ako.





Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon