CSL 27~ Pain

23 1 0
                                    

{Please play Right Here Waiting For You in the multimedia~}


Julien POV


Nakatulala ako habang nakaupo sa sasakyan ni Andrea. Hinila niya ako kanina para makaabot kay Julian sa airport. Nakatingin lang ako sa labas at kahit ang tulin na ng patakbo ni Andrea ay wala akong pakialam. Gusto ko lang makita at maka-usap si Julian ngayon..


Nanlumo ako sa narinig ko kanina. Aalis siya ng bansa? B-bakit? Dahil ba sa ama niya? Kasi hindi ako nito gusto para kay Julian kaya niya pinapalayo ang anak niya sa akin?


Ang daming tanong sa utak ko pero hindi ko masagot lahat..


Naramdaman ko nalang na tumigil ang sasakyan at bumaba si Andrea kaya sumunod ako at tumakbo kami papuntang loob. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sakit, lungkot, galit, kaba at kung ano-ano pa.


Madami ang mga tao sa paligid pero luminga-linga ako para makita siya. Hanggang sa nakita ko sila Kenneth na nandoon kasama ang... parents ni Julian.



Agad kaming lumapit sa kanila. Paiyak na sila Luke at Daizen nung nakalapit na kami.



"Asan na si Clarence?" Tarantang tanong ni Andrea habang humahangos. Nakita ko ang pagtitig ng mga mata ng ama ni Julian at ang awa naman sa ina nito.


"Huli na kayo..."


Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko dahil sa narinig ko kay Javris. Parang ayaw pa mag-function sa utak ko ang narinig ko. Sandaling tumigil ang lahat habang nakatulala ako sa kawalan. And then I realized something...


Hindi pa siya nakakasakay sa eroplano kaya pwede ko pa siyang mahabol.



"Saang bansa siya p-pupunta?" Tanong ko sa kanila.



"Amerika."

Pagkasabing-pagkasabi nun ay dali-dali akong tumakbo papunta sa kung saan. Basta may nakikita akong pasahero doon at nagbakasakaling nandoon pa si Julian at baka nakapila pa. Nakita ko ding pa-Amerika yun kaya nagmamadali ako.



Nanginginig ang tuhod ko pero pinilit ko pa ring tumakbo. Nakita ko ang likuran niya at ang hawak niyang maleta. Hindi ako siguradong siya nga 'yun dahil sobrang layo. Halos madapa na ako sa pagkakatakbo pero hindi ko na pinansin at dinalian pa ang pagtakbo.



Hindi ko alam kung anong sasakyan niyang eroplano. Kung cebu airlines ba o Philippine airlines ba ang eroplano niya. Pinilit kong patalasin ang mata ko para makita ko siya agad.


"Julian!" Sigaw ko nang makita ko siya. Sana ay marinig niya. Tumigil siya sandali sa paglalakad at alam ko na na narinig niya ang tawag ko. Pero hindi siya lumingon at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Nanlambot ang tuhod ko at nawalan ako ng hininga...



"Ma'am pasensya na po pero bawal na po kayo dito. Para lang ho ito sa mga pasahero."

Sabi ng guard doon. Napatingin ako sa kanya pero hindi ko siya pinansin at tumakbo pa rin at sumigaw ng sumigaw ng Julian. Nakatingin ako sa kanyang likod pero nang maramdaman ko ang dalawang kamay sa magkabilang braso ko ay nadivert ang atensyon ko dito. Dalawang guard na ang nakahawak sa akin at pinipigilan akong makalapit pa.


Nagpumiglas ako at natanggal ang hawak nila sa braso ko kaya nagkaroon ako ng tiyansa na tumakbo.


Nagtitinginan sa akin ang mga tao at nagtataka kung bakit ako nakapasok. Hinahabol na din ako ng dalawang gwardya kanina. Pero hindi ko na inalintana at isa lang ang gusto ko.



Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon