CLS 28~ She Knew

23 1 0
                                    


CSL 28~ She Knew



{For better reading, please play Memories In My Eyes by Yiruma while reading this~} 




Third Person's POV




Three months have passed. Nasa ibang bansa pa rin si Julian. Wala na silang naging balita pa dito lalo na si Julien. Ibang-iba na siya sa dating Julien. Hindi na makitaan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Para siyang buhay na patay. Buhay sa labas, patay sa loob. Mas nag-focus siya sa pag-aaral kaya natapos niya ang 1st semester. Gayun pa man, kahit hindi siya nagpapakita ng emosyon, namumutawi pa rin ang nag-uumapaw niyang pagmamahal kay Julian.





Pero gaya ng ipinangako niya, tuluyan na niyang binakuran ang puso niya at naging malakas sa lahat ng bagay. Marami siyang manliligaw. Lingid sa kaalaman niya, maganda siya sa loob at sa labas. She's a goddess mix with mistery that no one can solve.




Naglalakad siya papunta sa bahay ng Tita niya. Doon kasi siya nagstay sa totoo niyang bahay kaya na-miss niya ang bahay ng Tita niya. Nakasalubong niya sila Jonelle, Lexie, Osh at Tin. Hindi niya alam ang sasabihin dahil hindi siya nagpakita sa mga ito sa loob ng tatlong buwan.





"Nay Julien?" Patanong na sabi ni Tin at yumakap sa kanya. Sumunod ang tatlo. Hindi maipagkakailang na-miss nila ang kaibigan. "Anong nangyari? Parang hindi na ikaw 'yung Julien na kaibigan namin.."





Ngumiti si Julien. "Ako pa rin 'to."




***




Sa kabilang banda naman, nakahiga si Julian sa hospital bed at namimilipit sa sakit. Tinurukan siya ng Doktor ng pampatulog kaya naman medyo umamo ang mukha nito at nakatulog na ng payapa. Inayos ng ina ni Julian ang kumot nito at bumuntong hininga. Nahihirapan siyang makita ang anak niya sa ganitong sitwasyon.





"There's no other cure.. but a heart transplant. You have to search for a donor or else.." The Doctor left his sentence hanging. But he continued, "Your son will be dead." Sabi nito at tumingin sa magulang ng pasyente.





Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon