Special Chapter 1: Silver Lim

56 2 0
                                    

Special Chapter 1: Silver Lim




Warning: This special chapter happens before Julien died/Epilogue. Kaya buhay pa dito si Julien, 'kay?




Silver's POV




Napahilamos ako ng mukha nung tumambad sa akin ang pangalan ng pinakakinaiinisan kong babae sa balat ng lupa sa caller ID. Tumatawag kasi siya. Ang kulit kulit niya! Nabibwisit na nga ako, e. Ilang beses ko na siyang dinededma pero never tibag pa rin siya.



Wala na akong nagawa kundi sagutin ang tawag niya dahil kahit patayin ko rin naman ang tawag niya, tatawag at tatawag pa rin siya at hindi niya ako tatantanan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.




"What?!"




{Ang sungit mo, ah! Niyayaya lang naman kitang pumunta sa mall!}




"Not now, Charm. I'm busy." Pagsisinungaling ko. She's Charmaine Kaye Johnson. Ang dati kong niligawan pero mga pards, lagi akong busted hanggang sa nagsawa na ako at siya naman ngayon ang humahabol sa akin. Nyahaha. Feeling ko ang pogi ko.




{Sige naaa!!}




Sumuko na rin ako para matahimik siya. Tamad akong naligo at nagbihis. Pagkababa ko sa condo, nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya at hawak pa niya ang susi at pinapaikot-ikot ito sa daliri niya. Nakasuot siya ng white dress at mataas na heels. Napaikot ako ng mata. Niligawan ko ba talaga 'tong babaeng 'to noon?




"Hop in!!" Masayang sabi niya at akmang sasakay na sana sa sasakyan niya nang pigilan ko siya. I don't want her to drive kasi natatapakan ang ego ko. Lalaki ako kaya ako dapat ang magda-drive. Tsk.




"In my car. Now." Sabi ko at iniwan siya doon. Naglakad ako sa parking at nakita ang pinakamamahal kong BMW. Hindi ko na siya inantay at pumasok na ako sa loob. Sumunod naman siya, e.




Nakita ko siyang nag-pout sa peripheral vision ko. I rolled my eyes again. Isa na naman ito sa mga kaartehan niya. Ewan ko kung bakit ko ba siya napagtitiisan. She's brat. Spoiled. Gusto lahat masusunod. Maarte. Ang kapal ng make-up niya pero bagay naman sa kanya. Galing siya sa mayamang angkan kaya ganyan ang ugali niya plus the fact na nag-iisa lang siyang anak.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon