CSL 21~ Sick

39 1 0
                                    

CSL 21~ Sick







(Javris at the multimedia~}





Julien POV





Dumating ng 'yung kinatatakutan at inaayawan ko sa lahat...







Ang exam.







Nag-aaral ako ngayon mag-isa sa library dahil si Julian ay nasa student's council. May inaayos daw. Konti nalang didikit na 'yung mukha ko sa libro, eh.







Maya-maya, tumabi sa akin si Javris. Mukhang pawis na pawis siya. Nakasuot siya ng black ripped jeans, highcut na sapatos, at checkered na blue longsleeves na may white tshirt sa loob. Hindi niya binutones ang checkered niya. Nakataas din ang buhok niya. Naka-suot pa siya ng relo na kulay black kaya ang gwapo tuloy niya sa paningin ko. Idagdag pa 'yung may pagka-angas niyang mata, makapal at itim na kilay, pati na 'yung sharp niyang jaw line. Pak na pak! Charot. May Julian na 'ko, 'no!





Kay Tin nalang siya! Nyahaha!







"Anong meron?" Tanong ko.









Hinihingal pa siya kaya uminom muna siya ng tubig. "Hoo! Init." Reklamo niya bago tumingin sa akin. "Nakita mo ba kung nasaan si Tammy?" Tanong niya.







Nanlaki ang mata ko. "Tammy ang tawag mo kay Tin?" Tanong ko pa.







Bahagya siyang tumango. "Cool diba?" Nag-smirk siya tapos pinagpatuloy ang sasabihin niya. "As I asked earlier, nakita mo ba si Tin?"







"Hindi, eh." Sagot ko.







"Sige, salamat." Sabi niya tapos ngumiti. "Alis na 'ko! Ay nga pala.." Pahabol niya tapos bumalik ulit. "Tawag ka ni Julian sa student council. May sakit ata." Huling sabi niya bago umalis.







May sakit?







Inayos ko muna ang gamit ko at lumabas ng library. Bumili muna ako ng pagkain sa canteen dahil lunch na, mabuti nalang may pera ako. Hihi. Malapit na pala birthday ng isang bata sa may kanto. Bibilhan ko siya ng regalo. Dala-dala ko ang binili ko at pinuntahan si Julian. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang nakatutok sa laptop niya.







Seryosong seryoso siya at hindi manlang napansin na nasa harap niya na ako. Naka-upo siya sa swivel chair.







"Ehem.." Pag-fake ko ng ubo. Nasamid ako kahit wala akong kinakain kaya epic fail ang dating ko. Umubo ako ng umubo bago tumingin kay Julian na nagulat ng makita ako.







"Why are you here?" Tanong niya.







Kumunot ang noo ko. "Diba pinapatawag mo 'ko dito?" Tanong ko.







Kumunot naman ang noo niya. "Who said?"







"Si Javris!"





"I didn't say anything." Mahinang sabi niya at umubo.







"Teka nga," Pagsasalita ko. Pinatong ko muna ang pagkain sa may upuan at lumapit sa kanya. "May sakit ka ba?" Tanong ko tapos hinawakan ang leeg at noo niya. "Hala ang init at putla mo na!" Nag-papanic na sabi ko.







Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon