Special Chapter 2: Tamara Tin Sarmiento

52 2 0
                                    

Warning: This special chapter happens before Julien died/Epilogue. Kaya buhay pa dito si Julien, 'kay?



Tamara Tin POV



"Basang-basa sa ulan, walang masisilungan. Walang malalapitan~"

Nagising ako dahil sa punyetang navivideoke naming kapitbahay na daig pa ang bagyong Yolanda kung kumanta. Tumayo ako at pumunta sa bintana para sigawan ang hinayupak na kumakanta na nang-istorbo ng maganda kong tulog.

"ALING FATIMA! ABA, ANG TANDA-TANDA NIYO NA KUNG MAKAKANTA KAYO PARANG TEENAGER!" Sigaw ko. Leche, puyat na nga ako, eh.

Tumingin sa akin si Aling Fatima. "Hehe. Okay lang 'yun, Tin. Atleast maganda pa rin ang boses ko." Sabi niya bago nag-pogi sign sa akin. Matandang jejemon.

Inikutan ko siya ng mata. Nasaan si Nora Aunor? Kailangan ng himala para kay Aling Fatima! Eh, kanta pa ba 'yung tawag niya sa ginagawa niya? Kung makapagyabang 'tong matandang dalaga na 'to, akala mo naman ang ganda ng boses, boses palaka naman. Lul. Sinong niloko niya? 'Wag dito, uy!

Hindi na ako nag-abalang magsuklay o maghilamos manlang. Aba, aksaya sa tubig ang paghihilamos 'no. Tipid-tipid na nga kami ni Mama, eh. Inayos ko lang ang pinaghigaan ko tsaka na bumaba para mag-almusal. Yis naman, dalawang palapag 'tong bahay namin. O kung bahay pa ba ang matatawag dito, isang hipan ko lang naman dito, giba na, eh.

"ANAK!!!" Bungad ni mama. "Nagluto ako ng cordon bleu! Tara dali, tikman mo!" Nilapit pa niya sa akin ang isang kutsara ng tuyo. Oo tuyo.

"Mama, tuyo 'yan. Tuyo! 'Yung isdang kinakain ng mga mahihirap! Anong cordon bleu pinagsasasabi mo?"

Kumamot ng ulo si mama. "Oo nga 'no? Hehe. Kumain ka na nga diyan! May pasok ka pa!"

Umupo ako sa upuang konti nalang, magigiba na rin. Kumain na ako ng tuyo at kanin. Dito sa amin, hindi uso ang kutsara at tinidor. Ginagamit lang namin 'yun kapag may special occasion o kaya may bwisita. Madalas kaming nagkakamay ni mama.

Nakataas pa ang isang paa ko sa inuupuan ko para feels ko ang paglamon. Aba, biyaya na 'tong pagkain na 'to 'no! Lubus-lubusin na.

Ang haba na ng introdaksyon ko. Ako nga pala si Tamara Tin Sarmiento. 16 years old. Si nanay Julien kasi matanda na 'yun, eh! 17 na 'yun. Isa akong scholar sa Crawford University. Siyempre matalino ako! Hindi naman ako bobo, tanga lang. Si Roshan lang naman nagsasabing bobo ako, eh! Akala mo naman ang tali-talino, eh nakikikopya lang sa'kin 'yun, eh. Wahaha. Kami nalang ni mama at kuya Kayden ang nakatira dito sa bahay. Wala rin akong tatay, simula pagkapanganak pa lang sa akin ni mama, wala na daw akong tatay. Sabi pa niya, sumama na daw 'yung demonyong tatay ko sa ibang babaeng mayaman. 'Yun ang sabi ni mama. Kahit litrato ng tatay ko wala ako. Nakikiupa lang kami dito ni mama kaya todo trabaho kami. Tapos si Kuya Kayden naman, nasa school, isa kasi siyang scholar doon, eh. Sya na matalino!

Pagkatapos kong kumain, naghugas na ako ng plato. Si mama, naglalaba ng mga damit naming dalawa. Tapos mamaya naman, magtitinda si mama sa palengke ng mga gulay. Tapos nung minsang nagkaroon siya ng raket kila Mang Kanor, naglabandera siya ng mga damit nila. Butas pa nga daw 'yung brief ni Mang Kanor nung minsang labhan ni mama, eh.

Pagkatapos kong maghugas, dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo at magbihis.

Akala niyo sa akin, hindi naliligo? Lul. Gaya niyo pa ako sa inyo. Haha. Joki-joki lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon