CSL 25~ Let Go

31 1 0
                                    

CSL 25~ Let Go




Julien POV





"Here." Tumunghay ako sa nagsalitang si Dusk. Inaabot niya sa akin ang isang cone ng ice cream na tinanggap ko naman. "Tahan na.." Sabi niya at umupo sa tabi ko.





Agad kong pinunasan ang natitirang luha sa pisngi ko at tumitig sa ice cream. His painful words are striking me. 'Yung ang sakit sakit na namanhid na 'yung katawan ko at hindi na ako maka-iyak kahit gustong-gusto ko.





Hindi ko alam kung anong nagawa ko at bakit siya nakipaghiwalay..





"Wag mo na kasing titigan. Tignan mo, tunaw na.."





Nagulat ako nung magsalita si Dusk sa tabi ko. Doon nagbalik ang senses ko. Tumingin ako sa ice cream na hawak ko. Tunaw na ito at tumutulo na sa kamay ko. "S-sorry.." Nakatungong sabi ko habang kinukuha niya ang kamay ko para punasan.






"Okay lang. Ice cream lang 'yan." Nakangiti siya sa akin. Naramdaman ko ang lambot ng palad niyang nakahawak sa kamay ko. Nang mapunasan na niya ang ice cream sa kamay ko, kinuha niya ang hawak kong tunaw na ice cream at tinapon sa basurahan malapit sa amin.





Nanlaki ang mata ko. "Ba't mo tinapon?! Kakainin ko naman 'yun.."





"Hindi na masarap ang ice cream kapag tunaw na. Tara.." Hindi na niya ako pinagsalita dahil hinila na niya ang kamay ko.





"Saan ba tayo pupunta?" Medyo mahina kong tanong.





Ngunit hindi niya ako sinagot at mabilis niya akong pinaupo sa shotgun seat at sabay pasok niya sa driver's seat at paharurot ng kotse. Halos lumabas na ang puso ko sa ribcage dahil sa bilis niyang magpatakbo. Overtake pa siya ng overtake kaya kinakabahan ako. Hindi ako sanay sa ganito kabilis. Parang lilipad na ang sasakyan niya. Tingin din siya ng tingin sa wrist watch niya.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon