CSL 16~ Confess

53 3 1
                                    

CSL 16~ Confess




Julien.




Isang buong tatlong oras kaming walang pansinan ni Julian hanggang sa mag-break na. Hindi ko rin naman siya papansinin, 'no! Akala niya!





Pumunta akong canteen for the first time. Nakalimutan kong magbaon, eh. Mabuti nalang at nag-iwan ng pera si Tita. Pumila ako at kumuha ng tray. Madaming pagkain pero kaunti lang ang kinuha ko. Kailangan kong magtipid kasi malapit na ang birthday ni Cailegh—'yung bata malapit sa amin.





Nag-promise kasi ako sa kanya na reregaluhan ko siya, eh. Ulila na rin siyang lubos at nakikitira nalang sa lola niya.





Kumuha ako ng juice at sandwich. Binayaran ko na rin ito kaya dumaretso na ako sa mga table. Kinuha ko ang librong binabasa ko sa history dahil sa lahat-lahat ng subjects, itong subject na 'to ang madaming sasauluhing pangalan.





Habang nagbabasa ako, tumunog ang cellphone ko kaya chineck ko kung sino ang natawag. Akala ko si Julian na pero si Osh lang pala. Assumera -_-





"Oh?"





{San ka?}





"Nasa canteen, bakit?" Pagsasalita ko. Nakita ko ang mga kaibigan ni Julian na paparating sa table ko habang nakangisi. Kasama nila ni Julian na naka-pokerface lang. hawak-hawak siya sa braso nila Kenneth.





Nanlaki ang mata ko at tumayo. Kinuha ko ang sandwich ko at ang bag ko at tumakbo paalis. Tss. Minsan na nga lang makapunta ng canteen, eh. Tapos guguluhin nila ako. Kailangan ko ng privacy, 'no! Itong nalalapit na ang exam, naku.





Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon