CSL 1~ Julixn

162 6 7
                                    

Votes and comments para mabilis ang update!


_



Dali-dali ako sa pagkain ng almusal ko ngayong araw. Kailangan ko ng bilisan at bibili pa ako ng uniform ko. Bukas pa naman ang pasukan pero heto ako at nagmamadali. Kailangan kong maging maaga dahil mamaya ay marami ng tao sa palengke.



Isinuksok ko ang wallet ko sa bulsa ng maong shorts ko. Inubos ko na ang tinapay sa kamay ko at nagpaalam na sa Tita ko.



Ako nga pala si Keith Julien Villanueva, simpleng babae, mahirap. Nakikitira lang ako sa Tita ko. Ipinag-aral niya kasi ako ng college. 17 years old na ako and I'm taking BS Architecture. Scholar ako sa school na papasukan ko bukas.



Agad akong nagpara ng jeep at sumakay. Kumuha ako ng barya at nagbayad na. Mabilis naman akong nakarating ng palengke. Sumalubong sa akin ang iba't-ibang tao, iba't-ibang amoy ng karne at gulay. Pero isinantabi ko na muna iyon, sanay na ako.



Kinuha ko ang Nokia3210 ko sa bulsa ng maong pants ko at tinext ang bestfriend ko. Akalain niyong nag-eexist pa ang ganitong cellphone? Ilang taon na rin sa akin 'to kaya iniingatan ko talaga. Kahit na may mga tagpi-tagpi na 'tong Nokia3210 ko, pinagta-tyagaan ko pa rin. Mahal kaya ang mga cellphone ngayon.



To: Tin; Roshan

Nasaan na kayo?

-end-

Sent!




Nag-ikot ikot ako sa palengke para maghanap ng uniform. Maya-maya ay nandito na sila Tin at Roshan. Sabay kaming nag-ikot sa palengke pero walang uniform na kaparehas sa University kaming nakita. Ayaw naman naming magtanong dahil puro adik at mga nag-iinuman na tao na ang nandito sa dulong bahagi ng palengke.



Nag-iba kami ng way at napunta sa mga tindahan ng mga uniform, ulit. At dahil makapal ang mukha ni Tin, siya ang nagtanong..



"Ate, saan po ba nakakabili ng uniform? 'Yung pang Crawford University po ah?" Tanong niya.



"Ineng, wala kang mahahanap na ganun dito, sa SM meron." Masungit na sabi niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga paninda niya.



"Sungit. Sunugin ko paninda niya diyan eh." Bulong ni Roshan. Kahit kailan talaga napaka-taong kalye nitong si Osh.



Bagsak balikat kaming naglakad palayo. Sa Sm pa pala nakakabili nun. Mahal siguro ang mga uniform doon. Baka hindi kaya ng budyet ko. Hanggang pasukan ko pa ito eh.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon