CSL 8~ Falling

54 4 0
                                    

CSL 8~ Falling

Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko kapag kaharap ko si Julian, nandiyan 'yung feeling na kontento na ako kahit wala naman siyang ginagawa. 'Yung kahit nakaupo lang kayo, ramdam na ramdam mo naman 'yung contentment na sinasabi nila. 'Yun daw ang nararanasan ng mga taong magkasintahan, mga taong nagmamahalan. Pero sa case ko? Ayoko. Hindi sa bitter ako, ayokong masaktan.

Alam niyo 'yung pakiramdam na kapag katabi mo 'yung taong mahal o nagugustuhan mo? 'Yung pakiramdam na parang may hinahalukay sa tiyan mo pero masarap sa pakiramdam? 'Yan kasi 'yung naramdaman ko kay Julian noong nasa mansion niya kami kanina lang.

Sabi nila, malalaman mo daw kapag gusto mo ang isang tao kapag nakaramdam ka ng sparks sa simpleng paghawak niya sa'yo, sabi ko naman, sparks? Dun sa kuryente hawakan mo. Kasi totoo naman diba? Sa kuryente lang nararamdaman 'yun. Tapos kapag daw nag-slow motion ang paligid—'yung parang kayong dalawa lang daw ang tao sa paligid, ibig sabihin, gusto ng puso mo ang taong iyon. Lahat kasi ng signs para malaman mo kung gusto mo ang tao, naranasan ko kay Julian.

Aaminin ko, takot akong mareject, masaktan, at mabalewala. Pero anong magagawa ko kung 'yung puso ko na mismo ang pumili at nagmahal ng lalaki? Kahit pigilan ko pa itong nararamdaman ko, mas lalo lang akong mahihirapan, kasi kahit anong pilit ko dito sa kaunting nararamdaman ko mas lalong lumalalim.

At hindi ko hahayaang lumalim pa 'to. Ayokong masaktan sa huli. Kasi kapag lumalim na 'to, mahihirapan akong bumangon kapag wala siya.

Ayoko nang kaawaan ng iba. Iisipin nilang ang hina-hina ko.

Kaya hangga't hindi pa lumalalim, susubukan kong pigilan. Parte daw ng love ang masaktan, tama naman, walang perpektong pag-ibig, walang perpektong relasyon. Kasi hindi lahat ng relasyon, nag-fu-function.

Kinuha ko ang maliit na litrato sa ilalim ng kama ko. Ang litrato namin ng mama at papa ko noong nabubuhay pa sila. Masayang masaya ako noong kinunan 'to. Kasi for the first time may family picture na din kami. Ilang taon ng nasa akin 'to. Tinatabi ko kasi para kung sakaling mamiss ko sila, titignan ko nalang ang litrato namin.

Miss na miss ko na ang magulang ko, ang kulitan namin, ang tawanan, ang asaran. Nami-miss ko na din 'yung pagkanta nila bago ako matulog. 'Yung maganda nilang boses lalo na kapag nag duet sila.

Hinaplos ko ang mukha nila sa pamamagitan ng litrato...

"Mama, papa, kung nasaan man kayo, miss na miss ko na kayo."

Humangin ng malakas. Malamig na hangin. Humahaplos ito sa katawan ko. Ngumiti ako at tumingala. Nandito sila mama at papa, alam ko. Kahit kailan, hindi nila ako nakakalimutang bantayan kahit nasa langit na silang pareho. Sana masaya na sila doon.

'I miss you rin, anak.'

Napadilat ako bigla, narinig ko ba talaga 'yung boses ni mama? Napalinga ako sa paligid ng kwarto ko. Sana makita ko si mama, pero wala akong nakita kundi ang humahangin na kurtina sa kwarto ko. Siguro, imahinasyon ko lang 'yun o guni-guni lang.

Ang kalinga ng isang nanay, 'yan 'yung kayamanan na nakuha ko kay mama. Siya lagi ang naghahatid sa akin sa school, si papa naman ang nagsusundo sa akin. Si mama lagi ang nag-aasikaso sa akin samantalang ang papa ko naman, nagtatrabaho sa isang kompanya na pagawaan ng mga sapatos. Maliit lang ang kinikita ni papa pero kasya naman sa amin sa isang araw.

Si mama lagi ang nagtu-tutor sa akin kapag may darating na quiz o kaya periodical test. Medyo strikto siya magturo kaya kapag nagpupunta 'yung mga kalaro ko sa bahay, pinapauwi niya. Sasabihin niyang mag-aaral ako.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon