CSL 6~ Innocence

88 4 4
                                    


CSL 6~ Innocence





Ang ang kong nagising, taena naman. 6AM pa lang gising na gising na ang diwa ko. Hindi na 'ko makakatulog nito. Tsk.

Siguro excited lang akong makita at mahawakan ulit ang cellphone KO. Hindi ko muna sasabihin kay Tita na meron akong iPhone. Baka sabihan pa akong ninakaw ko 'yun eh.

Kinuha ko 'yung cellphone KO sa ilalim ng drawer. Tulad ng tinuro ni Julian, swipe lang naman daw. Lintik na 'yan, naalala ko na naman si Julian. Muntik na kaming mag-kiss! Shete, hindi pwede! Eww! Yuck! Buti nalang at hindi natuloy. Trip niya 'ko kagabi. Hindi ko naman siya masigawan kasi nasa mansion nila kami. Baka i-ban nila ako.

Nagselfie ako sa iPhone 6 plus gold KO. Taray diba?!

2nd picture ko na 'to so far. 'Yung isa, 'yung picture namin ni Julian. Halata namang pilit 'yung ngiti. Kairita talaga 'yun.

Dahil wala naman akong magawa, naglaro nalang ako ng temple run. Naalala ko na naman 'yung katangahan ko dito sa larong 'to.

Flashback

"Gusto kong maglaro ng temple run!" Sabi ko kay Julian. Nasa balkonahe kami ng kwarto niya.

"Go play. You don't need to ask my permission. It's your phone." Masungit na sinabi niya. Ngumuso ako, nakakainis namang kasama 'to! "Don't pout. You look like a duck." Dagdag niya.

Kumukulo na naman 'yung dugo ko! "Aba! Eh ikaw mukha ka kayang unggoy!" Inasar asar ko pa siya.

Ngumisi siya. Nakita ko na naman 'yung mapuputi at pantay pantay niyang ngipin. "Handsome monkey." Nakapoker face na sabi niya.

Ako 'yung nang-aasar tapos sa huli, ako 'yung naasar! Bwisit!

Naglaro nalang ako ng temple run. Syempre binasa ko muna 'yung How to Play. Simple lang naman daw. Kukuhanin ko 'yung mga coins at iiwasan 'yung mga sirang daan, tapos tatalon.

Pinindot ko 'yung play. Tumalon ka agad 'yung nilalaro ko sa may rope tapos dumausdos na siya. Kinuha ko naman 'yung coins.

Naglaro lang ako nang naglaro pero natigil lang 'yun ng tumawa ng malakas si Julian habang pinapanood ako.

Pinause ko muna 'yung laro at tumingin sa kanya. Pambihira, enjoy na enjoy pa naman akong maglaro tapos tatawanan niya ako?!

Nang humupa na 'yung tawa niya, nagsalita siya bagay na kinahiya ko.

"Habang naglalaro ka, pati katawan mo nasama! Hahaha!"

Totoo ba 'yun? Nasama ba pati katawan ko habang naglalaro ako? Weh? Nakakahiya kung oo!

End of Flashback

Nahihiya ako 'pag naalala ko 'yung scene na 'yun!

Nag-iba ako ng nilalaro, hanggang sa napagod akong maglaro kaya bumaba na ako. Siyempre, naka-charge 'yung cellphone KO.

Naalala ko 'yung nokia3210 ko. Nilagay ko 'yung luma kong cellphone sa kahon ng iPhone. Tapos nilagay ko sa ilalim ng kama ko sa loob ng kwarto. Hindi ko nga alam kung kama pa ba 'yung hinihigaan ko eh. Ang luma-luma na din kasi.

8AM na din pala, napasarap ako sa paglalaro, ah? Hehe.. baka mapabayaan ko 'yung pag-aaral ko dahil lang sa cellphone. At hindi ko hahayaang mangyari 'yun!

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon